Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Army headquarters Camp Tecson San Miguel Bulacan

Sa San Miguel, Bulacan
SUNDALO NATAGPUANG PATAY SA BARRACKS

WALA nang buhay at may tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo nang matagpuan ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) sa kanilang headquarters sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes, 9 Enero.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Ronnie Albino, hepe ng San Miguel MPS, kinilala ang biktima na si Sgt. Henry Española, nakatalaga sa Philippine Army 6th Scout Ranger Company.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dakong 2:35 pm noong Huwebes, natagpuang wala nang buhay ang biktima sa palikuran ng ikaapat na palapag ng retraining barracks ng Philippine Scout Ranger Company sa Brgy. Tartaro, sa nabanggit na bayan.

               Nadiskubre ang bangkay ng biktima matapos magpunta sa banyo si Sgt. Junrey Binonggo upang hugasan ang kaniyang baunan at nagulat nang makitang nakausli ang dalawang paa ni Española mula sa ikaapat na cubicle ng banyo.

Napag-alamang ang biktima ay may tama ng bala sa ulo at natagpuan ang baril nitong Caliber 45 Rock Island malapit sa kanyang katawan.

               Iniimbestigahan ng mga awtoriad ang motibo sa likod ng pamamaslang ngunit hindi ibinasura ang posibilidad ng pagpapakamatay ng biktima.

Agad na hiniling ng San Miguel MPS sa Bulacan Provincial Forensic Unit (BFU) na iproseso ang lugar na pinangyarihan ng krimen. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …