Tuesday , January 14 2025
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
3 tulak, 4 wanted person nasakote

SA PATULOY na anti-criminality operations ng Bulacan PNP, nadakip ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga, at apat na pinaghahanap ng batas sa iba’t ibang lugar sa lalawigan hanggang  nitong Linggo, 12 Enero.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ng magkahiwalay na buybust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Baliwag at Bulacan Provincial Intelligence Unit na humantong sa pagkaakaaresto sa tatlong drug suspects.

Nakompiska sa mga operasyon ang kabuuang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang nagkakahalaga ng P78,264; at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Gayondin, nagsagawa ng serye ng manhunt operations ang tracker teams ng San Jose del Monte, Meycauayan, Bulakan, at Obando C/MPS na nagresulta sa pagkakadakip sa anim na wanted na indibiduwal sa bisa ng warrants of arrest para sa mga kasong robbery, estafa, paglabag sa RA 9003 at RA 11332.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanilang mga arresting unit/station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

FPJ Panday Bayani

Edukasyon sa lahat, mataas na sahod sa mga guro tungo sa AmBisyon 2040 – Brian Poe

IMINUNGKAHI ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares …

APCU 1

PH-China Understanding, Inc. inducts new officers, members

The Association for Philippines-China Understanding Inc. (APCU) has inducted its new officers and members/associates recently. …

Dead Rape

Sa Talisay, Negros Occidental
PINAGBINTANGANG ‘SCAMMER’ PATAY NANG MATAGPUAN

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 32-anyos babaeng pinaghihinalaang ‘scammer’ sa Hacienda Lizares, Brgy. …

P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

MATAGUMPAY na naisagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 (RFU …

Philippine Army headquarters Camp Tecson San Miguel Bulacan

Sa San Miguel, Bulacan
SUNDALO NATAGPUANG PATAY SA BARRACKS

WALA nang buhay at may tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo nang matagpuan …