Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban

Denise Esteban, excited sumabak sa teatro via “Anino sa Likod ng Buwan”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYANG ibinalita sa amin ni Denise Esteban na bahagi siya ng stage play na “Anino sa Likod ng Buwan.”

“Hello po kuya Nonie mayroon po akong ginagawa ngayon Anino sa Likod ng Buwan, stage play po na sa PETA gaganapin. Understudy po ako ng lead na babae sa story,” pm sa amin ni Denise sa FB.

Ang movie na ito ay tinampukan noon nina LJ Reyes, Adrian Alandy, at Anthony Falcon. Mula sa pamamahala at panulat ni direk Jun Robles Lana, ipinalabas ito sa mga sinehan noong 2015.

First time daw ito ni Denise sa stage play, kaya nakakaramdam siya nang kaba.

Aniya, “Opo, first time ko po sa stage play and nakakakaba po nang sobra. But at the same time, nakatataba po ng puso. Kasi hindi ko po lubos akalain na makukuha po ako at mapapabilang ako sa Anino Sa Likod ng Buwan and nakakakilig po kasi sa PETA Theater pa po gaganapin iyong play.”

Paano siya napasali rito?

Tugon ni Denise, “May nag-message po sa akin kung gusto ko raw po mag-audition kasi fit daw po sa akin ‘yung character. Noong una po akala ko po movie, tapos nasabi po nila stage play daw po kaya bago po ako mag-audition ay kabadong-kabado po ako kasi first time ko po…

“Hanggang sa nag-audition po ako ng isang eksena sa harap ng producer at director po, sandali lang po ‘yung audition ko tapos sabi po nila ime-message na lang daw po nila RM ko kung tanggap ako or hindi.

“Tapos after ilang days po nakatanggap po ako ng message sa RM ko na nakapasa raw po ako. Bale understudy ng lead na babae po ng Anino sa Likod ng Buwan,” masayang sambit pa niya.

Kailangan ba niyang magpa-sexy sa play? “Opo, hahaha! Need po magpa-sexy sa play! Iyon po ‘yung nakaka-challenge rito talaga. Kasi before, sa movie lang po ako nagpapa-sexy. Pero ngayon sa stage na po, hahaha!

“Kaya ang masasabi ko po manood kayo and see you there sa play! Hahaha!”

Mula sa pamamahala ng Gawad Buhay awardee Tuxqs Rutaquio, ang Anino Sa Likod ng Buwan ay tatampukan nina Martin Del Rosario, Elora Españo, at Ross Pesigan. March 2025 ito magsisimulang ipalabas sa PETA Theater Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …