ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, at tatlong sangkot sa ilegal na sugal sa sunod-sunod na anti-criminality operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles, 8 Enero.
Ayon sa mga ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng San Jose Del Monte, Baliuag, San Ildefonso, at Balagtas C/MPS ang magkakahiwalay na buybust operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa pitong pinaniniwalaang mga tulak ng ilegal na droga.
Nakompiska sa mga nasabing operasyon ang may kabuuang 14 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P80,465; at buybust money.
Samantala sa serye ng pinaigting na manhunt operations ng tracker team mula sa San Jose Del Monte, Norzagaray, San Ildefonso, Marilao, Marilao, Pulilan, at Bulakan C/MPS, nasakote ang pitong wanted na indibiduwal sa bisa ng mga warrant of arrest.
Gayondin, nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga awtoridad ng San Jose Del Monte CPS na ikinadakip ng tatlong sangkot sa ilegal na sugal na naaktohan sa paglalaro ng ‘dice.’ (MICKA BAUTISTA)