PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For All Seasons, Ms Vilma Santos.
Despite her so busy schedules, pinanindigan at ginawa talaga niyang dalawin at ipagdasal ang isa sa mga naging very loyal friend niya sa showbiz at katoto natin dito sa Hataw, si kuyang Ed de Leon.
Dahil nga sa naging promo ng Uninvited na hindi na napanood ni kuyang Ed sa mga sinehan, hindi nagawa ni Ate Vi na silipin ang burol nito last December hanggang sa mai-cremate.
Pero bilang isa po tayo sa napakiusapan ni ate Vi na maki-dalamhati on her behalf at makipag-ugnayan sa pamilya ng yumao para sa mga kinailangan pa sa burol (though from the hospital needs pa lang, nakasuporta na si ate Vi), naroon po ang inyong lingkod sa ilang gabi ng lamay. Sinamahan din kami ng ilang mga matatalik ding katrabaho at mga kapwa Vilmanians na naging close rin kay kuyang Ed.
Sa gitna ng pagdadalamhati ng maliit na pamilya ni kuyang Ed (dalawa lang silang magkapatid ng ate niya at may nag-iisang pamangkin na siyang namahala ng lahat), laging nagpapadala ng pasasalamat at mensahe si Ate Vi sa mga naulila at nangakong magbibigay ng kanyang huling respeto sa kaibigan.
“Happy si Ed. Salamat Ambet. Niligaw kami ni Ed hahaha. Nagpa-guide kami sa tricycle. Napunta kami sa Laloma cemetery tapos sa Chinese cemetery. Sabi ko Ed, magpakita ka na, hahaha!,” ang nakaaaliw na kuwento ni ate Vi sa amin last Jan. 5.
Halos buong araw kaming tinatawagan ni ate Vi mula umaga para kompirmahin ang address ng columbary na nasa Quezon City at Caloocan sa may C3. Although sakop siya ng Laloma cemetery halos kalapit niya ang Chinese Cemetery at nasa isang bagong tayong building pa. Kaya naman panay din ang hingi namin ng karagdagang info kay Mary Grace Dino, ang nag-iisang pamangkin ni kuya Ed na naging punong abala sa lahat.
In fact, may mga Vilmate rin that same time na busy naman sa pag-sponsor ng block screening ng Uninvited sa SM Sta. Mesa at nagku-coordinate rin sa amin para maka-phone patch man lang ang star for all seasons to greet her friends/supporters there. At nagawa rin ‘yun ni Ate Vi, habang naliligaw nga sila sa paghahanap ng columbary.
Ganoon siya mag-multi-tasking huh! Ibang klase.
Bukod pa riyan, wala pang nakasulat na pangalan ni kuya Ed sa puntod, maliban sa picture niya na naging basehan nina ate Vi na nasa tamang puntod na sila finally after hours of searching.
“Naku ate Vi, mukhang ipinaramdam sa iyo ni kuya Ed na ‘Uninvited,’ ka hahaha,” biro namin kay Ate Vi sabay segue na, “naku, kahit noong nabubuhay pa iyang kaibigan natin na iyan, very naughty na talaga iyan, hahaha.”
O ‘di ba naman mareng Maricris at mga ka-Hataw.
Naging matindi rin ang epekto ng pagkamatay ni kuya Ed kay Ate Vi. Knowing ate Vi na na-i-imbibe ang mga kagayang energies, be it happy or sad, ramdam namin ang naging pagdadalamhati niya kaya ‘yung pagpunta niya sa columbary to give her respects and love to the deceased ay talaga namang sobrang katangi-tangi at kapuri-puri.
May mga iba pang ibinilin si ate Vi para sa pamilya ni kuya Ed, pero hindi na namin para ibrodkas dito.
Basta nag-iisa ka ate Vi. Sa dinami-dami rin ng naging malapit na malapit sa amin na mga kilalang tao, powerful and influential, iilan lang talaga kayong matatawag na tapat, marespeto at mapagkalingang kaibigan/kapamilya.
Mabuhay ka ate Vi, ang tunay na reyna at namumukod tanging star for all seasons, in and out of showbiz!