Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes Candy Veloso Angelica Hart Omar Deroca

Angelica girl crush si Cristine

RATED R
ni Rommel Gonzales

GL o Girls Love movie ang pelikulang Pin/Ya ng VMX. Mga bida rito sina Candy Veloso at Angelica Hart.

Tinanong namin si Angelica kung sinong celebrity ang girl crush niya?

“Cristine Reyes, sobra po!

”Kasi may istorya ‘yan dati, nakita ko siyang naka-sports car na red, tapos, parang bata pa ko noon, tapos nakita ko siya.

“Sabi ko siya ‘yung gusto kong maging, hanggang sa ‘yun na, siya na ‘yung idol ko since then.”

Si Candy ay may crush din na babae.

“Ako naman po si Ms. Marian Rivera,” bulalas ni Candy. “Parang ‘pag nakikita ko talaga siya parang, ‘Oo na, sige na Lord kunin mo na ako’, ganoon. Ha! Ha! Ha!”

Nakita na Candy sa personal ang GMA Primetime Queen…,“Oo, sobrang ganda!”

Pero hindi niya ito nakausap.

Kapag nakausap ni Candy si Marian anong sasabihin niya rito?

“‘Ma’am mahal na mahal kita Ma’am!’

‘Ma’am pa-kiss!’ Ha! Ha! Ha!’

“Ganoon ko siya ka-crush, kasi para siyang may sariling ring light, 

promise, may sariling ilaw.

“Parang buhat-buhat niya ‘yung Meralco, ganoon siya.”

Sa direksiyon ni Omar Deroca, nasa Pin/Ya rin sina Julianne Richard at Gboy Pablo at available na for streaming.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …