Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Richard Somes Topakk

Sylvia espesyal FPJ Memorial Award sa Topakk

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez bisperas ng Bagong Taon. Gabi kami magka-Viber at nagulat kami dahil habang kausap ay naka-swimsuit ito at nagsu-swimming sa pool sa resthouse nila sa Batangas.

Sabi sa amin ng aktres, nag-swimming siya dahil gusto niyang tanggalin ang lahat ng pagod sa katawan bunga ng walang humpay niyang trabaho para sa Topakk na pelikula ng kanilang Nathan Studios na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon bilang entry sa 50th Metro Manila Film Festival.

Masayang-masaya si Sylvia dahil natupad ang pangarap niyang magwagi bilang Best Float sa MMFF Gabi Ng Parangal nitong December 27 sa Solaire Grand Ballroom.

Ka-tie ng Topakk sa Best Float ang Uninvited na nagkataon namang ang Mentorque Productions producer na si Bryan Dy  ay kaibigan ni Sylvia, kaya nagtatawanan sila habang in-accept ang kanilang award.

Sabi nga ni Sylvia, kung noon ay nanonood lamang siya ng parada kapag may MMFF, ngayon ay awardee na siya bilang Best Float.

Bukod dito ay nanalo rin ng Special Jury Prize ang Topakk.

Pero ang higit na ikinatuwa pa ni Sylvia ay ang pagwawagi ng Topakk ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award.

Para sa mga hindi nakaaala, malapit kay Sylvia ang yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ.

Nakasama ni Sylvia si FPJ sa pelikulang Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2 at mula noon ay naging magkaibigan na sila.

At naroroon kami sa bahay nina Sylvia at mister niyang si Art Atayde sa Pasig nang pumasyal si FPJ two weeks bago ito pumanaw noong 2004.

Going back sa MMFF Gabi Ng Parangal, tiyempo namang galing sa comfort room si Sylvia noong tawagin ang Topakk bilang winner ng FPJ Memorial Award kaya hindi niya narinig kung anong eksaktong award ang napanalunan nila.

Kaya naman noong ma-inform na si Sylvia sa award na konektado kay FPJ ang nakamit nila ay halos maluha ang aktres sa tuwa.

Sayang nga lamang daw at hindi siya lubusang nakapagpasalamat at nabanggit si FPJ sa acceptance speech niya dahil hindi nga siya agad naging aware kung ano ang award dahil nga galing siya sa CR.

Habambuhay nilang ite-treasure ni Arjo ang mga napanalunan nila sa 50th MMFF higit sa lahat ang FPJ Memorial Award dahil nga napaka-espeyal kay Sylvia si FPJ na Tito Ron kung tawagin niya noong nabubuhay pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …