Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis

Lolit Solis babu na sa IG

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HAPPY New Year!

Kasabay nga ng pagpasok ng bagong taon ang pamamaalam ng Instagram chika ni manay Lolit Solis.

Nagulantang pa ang maraming nakakakilala sa beteranong columnist-manager dahil sa naging mga headline ng balita. Inakala tuloy ng marami na namaalam na ito kaya agad may mga nagpahatid ng pakikiramay. 

Nakakaloka talaga ang pangyayari pero dinedma na lang ito ni Manay lalo’t hindi naman ito ang unang beses na may mga nakiramay sa kanya.

Ayon pa sa ating manay, it’s about time na ipahinga niya o igarahe ang Instagram socmed activity niya dahil among her peers, siya na lang ang naiiwan at feeling empty na siya.

Hay, naku Manay, sandali lang ang ganyang feeling. Very soon, hahanapin mo rin ang mga tsismisan at intrigahan sa showbiz hahaha.

But seriously speaking, ang feeling namin ay hindi naman 100% iiwanan ni Manay Lolit ang IG stories niya. 

Asahan nating may pasulpot-sulpot siyang mga chika. Piling-pili na lang kumbaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …