Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla

Daniel ibinebenta na raw shares sa mga negosyo

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GAANO kaya katotoo ang tsismis na sa pagpasok ng 2025 ay tila seryoso na ring mina-manage ni Daniel Padilla ang kanyang mga business ventures o investments?

Ayon sa kumalat na balita, umano’y unti-unti nang ibinebenta ni Daniel ang kanyang mga share sa mga business investment na pinasok niya.

May tsika pang bago pa man daw matapos ang 2025 ay kumonsulta na ang aktor sa kanyang mga kanegosyo at legal team.

May nakakaloka pa ngang tsika na last Christmas nga raw ay tila kakaibang pagtitipid ang ginawa ng aktor dahil hindi na ito kasing-generous gaya ng mga nagdaang taon na halos lahat ay nabibigyan niya ng biyaya.

Well, if ever mang totoo ang tsismis na ito, we don’t see any wrong naman. That’s his right at baka nga nasa estado na ng buhay niya si Daniel na mas personal na tinututukan ang kanyang mga naipon o pera.

Wala kaming nakikitang masama roon. Kaysa nga naman patuloy kang mabuhay sa luho at walang kwentang mga gastusin gayung hindi pa naman ganoon nakababalik ang bonggang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …