Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng paputok, nagsagawa ang Bulacan Police Provincial Office, sa pamumuno ni PColonel Satur Ediong, sa pagtatapon ng mga nakompiskang ilegal na paputok at pyrotechnic device.

Ang nasabing aktibidad ay dinalohan nina Atty. Jayric L. Amil, Secretariat Head ng PRB at Department Head ng Bulacan Provincial Cooperative and Enterprise Development Office; Dominique Bartolome ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO); at Daisy A. De Guzman, Malolos City Sanitation Inspector sa Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na isinumite kay PColonel Ediong, ang nakompiskang mga mapanganib at ilegal na paputok,  may kabuuang 13,213 piraso ay nagkakahalaga ng P132,800.

Kabilang sa mga nasabat ay Piccolo (120 pcs.), Poppop (50 pcs.), Fivestar (2,934 pcs.), Pla-pla (1,580 pcs.), Giant Bawang (1 pc), Giant Whistle Bomb (2 pcs. ), Atomic Triangle (10 pcs.), Large Size Judas Belt (22 pcs.), Good Bye Delima/Bin Laden (10 pcs.), Kwitis (10,200 pcs.), at Boga (214 pcs.).

Ang mga nakompiskang fireworks at pyrotechnic device ay ligtas na itinapon alinsunod sa mga regulasyon upang maiwasan ang maling paggamit sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang proseso ng pagtatapon ay naglalayong bawasan ang mga panganib na dulot ng mga ilegal na paputok, na naglalagay sa panganib ng mga buhay at ari-arian.

Binigyang-diin ni PColonel Ediong ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad laban sa mga ilegal na paputok upang mapanatili ang kaayusan ng publiko at matiyak ang kaligtasan ng komunidad.

Hinikayat din niya ang publiko na bumili ng mga paputok mula sa mga lisensiyadong dealer at sundin ang mga alituntunin sa kaligtasan kapag gumagamit ng mga pyrotechnic device. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …