Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer na si Rozz Daniels. Although sa huling panayam sa kanya, balak daw ni Rozz na maglagari sa Tate at ‘Pinas.

Looking forward nga lagi si Rozz kapag nagbabalik-Pinas dahil aminado siyang maraming nami-miss dito, lalo na ang masasarap nating pagkain.

Iba rin daw ang feelings niya kapag nagpe-perform sa mga kababayan sa sariling bansa.

Aniya, “Masaya ako, parang ang gaan-gaan ng loob ko, kasi hindi lang ako nakapagpe-perform sa US, nadadala ko rin dito sa Filipinas.

“Mas masarap sa akin na mag-perform ako na hindi ako nagpapabayad. Dahil gusto ko talaga na mapasaya ang mga tao, lalo na kapag Christmas.

“Siguro, this is my first Christmas show dito sa Philippines and hopefully ay maulit pa ito every other year, para mapasaya ko naman ang mga kababayan natin dito.”

Sinabi rin ni Ms. Rozz na iba talaga ang Pinoy audience, kompara sa mga audience niya sa Amerika.

Pahayag ng singer, “Well malaki ang kaibahan. Sa America kukunin ka dahil alam nilang marunong kang kumanta. After mong umawit, iyong mga Pinoy doon lalapit sa iyo at magpapasalamat. Pero iyong mga Kano, wala lang, basta ka na lang ile-let go nila.

“Kapag ang audience ko ay mga Filipino, parang mas masarap iyong sigawan and palakpakan nila. Parang mas naa-appreciate nila na kahit nasa ibang bansa ka ay naise-share mo ang talento mo sa ating mga kababayan.”

Nabanggit din niyang plano niya na every year ay makabisita sa Filipinas at makapag-show. At posible raw na every six months ay nandito siya at sa ibang months naman ay nasa US ang magaling na singer.

Anyway, ire-revive pala ni Rozz ang kantang “Ibang Iba Ka Na” na pinasikat noon ni Renz Verano.

Nalaman namin ito sa presscon ng kanyang “The Rocks N Rozz Show – Christmas Special” na ginanap sa The New Music Box sa Timog, QC, recently.

Masaya naman si Rozz dahil nandoon pa rin ang kanyang mga kaibigan at ilang kamag-anak na hindi siya iniwan at nakapiling noong Pasko.

Naging matagumpay ang idinaos na show ni Rozz na “The Rocks N Rozz Show” sa naturang venue at kasama niyang nag-perform dito sina Monica, Lina Torregosa, Jerome Sangalang, Neli Legaspi at ang entertainment editor na si Blessie Cirera.

Sa ngayon ay focus si Ms. Rozz sa paghahanda sa recording ng kanyang revival song na Ibang-Iba Ka Na na unang pinasikat ni Renz Verano.

Esplika niya, “Actually, sabi ng manager ko ay bagay na bagay daw sa vocal range ko ang kantang ito. I’m looking forward sa pagkanta ko ng classic song na ito.”  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …