Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng Racal Industrial City ang kauna-unahang pinakamalaking pagawaan ng “precast concrete products” sa Luzon sa bahagi ng Viola Highway, Brgy. Maronquillo, San Rafael, Bulacan.

Pinangunahan ni 6th District congressional aspirant Jad Racal, kasama si San Rafael Incumbent Mayor Mark Cholo Violago, Builders Chairman/CEO Jonito Racal , Jake & Jed  Racal, at mga Chinese managers na sina Kevin Lee, Jon Wang, David Wang, katuwang ang mga opisyal ng barangay.

Ayon kay Cong. Jad, tinatayang aabot sa higit limang ektarya ang pagtatayuan ng  estruktura ng naturang kompanya na pinondohan ng higit P2 bilyon, habang higit P2 bilyon rin ang halaga ng mga makinaryang gagamitin sa paggawa ng precast products.

Ang mga gagawin sa nabangit na pagawaan ay matitibay na uri ng precast para sa paggawa ng bahay, condominiums, hotels, malls, at marami pang iba.

Inaasahang matatapos ang construction ng bagong factory sa buwan ng Marso ng papasok na taong 2025.

Aniya, inisyal pa lamang ito sa mga investors na magtatayo ng negosyo sa Racal Industrial City.

Sinabi ni Chairman/CEO Jonito Racal na magbibigay o mangangailangan ng 15,000 hanggang 20,000 trabahador mula sa nabangit na probinsya ang itatayong kompanya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …