ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last December 25 at nag-enjoy kami nang todo sa dalawang pelikulang ito.
Kapwa entry ang dalawang films sa ongoing na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) at masasabi namin na must-watch-movies sa MMFF50 ang mga ito dahil sulit talaga ang ibabayad nila sa takilya.
Tampok sa Uninvited ang powerhouse ensemble cast na sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto. Ang pelikula ay sinusuportahan din ng magagaling na mga artistang gaya nina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III.
Ang Topakk naman ay pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.
Nakakabilib ang mga action scenes sa pelikulang ito. Parang ibinalik nina Arjo at Julia ang genre ng hard action na gaya nang napapanood sa mga pelikula noon nina Sylvester Stallone at Arnold Schwarzenegger.
Astig ang pelikulang ito, as in madugo, hitik sa aksiyon, sa mga pasabog, at umaatikabong bakbakan.
Si Ms. Sylvia Sanchez ang producer nito at ipinagmamalaki niyang nakagawa sila ng isang pelikulang pinalakpakan at hinangaan kahit sa mga kilalang international film festivals tulad ng 78th Cannes Film Festival, Locarno, at Austin.
Sa isang panayam ay nabanggit niya na hindi lahat ng action star ay lalaki at si Julia Montes ang bagong action star na aktres!
Ipinahayag din niyang very hands-on talaga siya sa kanilang entry sa MMFF50.
Wika ni Ms. Sylvia, “Kailangan eh, kasi, unang-una ay ipinagmamalaki ko ang pelikulang iyon. Pangalawa, ipinagmamalaki ko ang mga artista ko, ang gagaling nilang lahat, kaya sayang kung hindi ko tututukan.”
Nagpasalamat din si Ms. Sylvia sa mga naka-appreciate at pumuri kina Arjo at Julia sa galing ng action scenes na ginawa nila sa Topakk.
Aniya, “Thank you for saying na mayroong mga bagong action stars kina Arjo and Julia, thank you, thank you. Malaking bagay iyon para sa amin sa Nathan.”
Bukod kina Arjo at Julia, ang Direk Richard Somes movie na ito ay tinatampukan din nina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio De Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, and Geli Bulaong
Isang drama-thriller movie naman ang Uninvited at hindi lang fans ng tatlong big stars dito ang mag-eenjoy sa pelikula. Kakaibang Vilma Santos-Recto at Aga Muhlach ang mapapanood dito ng moviegoers. Kung petmalu ang performance nina Vilma at Aga, hindi rin nagpahuli si Nadine sa husay niya rito.
Ang Uninvited ay sa direksiyon ni Dan Villegas at mula sa Mentorque Productions ni Bryan Dy, sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures at Project 8 Projects.
Ipinahayag ni Bryan kung gaano siya ka-proud sa kanilang pelikula, sa casts at sa direktor ng Uninvited.
Wika ni Sir Bryan, “Alam mo, si Ate Vi, just to be honest, wala na siyang kailangang patunayan… I know there were always be pressure. But at the end of the day, I think whatever it is, hindi ba? Vilma Santos will always be Vilma Santos.
“And kami nga, sabi ko nga, lahat kami pumunta rito, alam namin na it’s a competition. Nakita nyo naman po, walang tapon lahat…. nakita nyo si Aga, nakita nyo si Nadine, nakita nyo po lahat ng casts, talagang ganoon po kagaling si Dan Villegas. Lalo na kapag naka-tamdem niya si Antoinette (Jadaone) at naka-tandem pa si Irene (Villamor).”
Pahabol pa niya, “Kung makikita nyo naman po iyong range na talagang ipinakita niyang (Vilma) acting dito, talaga naman pong mula po sa pent-up to outburst… hindi ba?
“So ako, I’m just happy of the reactions of the people now na nakapanood na. It is really heartwarming, nakakataba po ng puso,” masayang sambit pa ni Sir Bryan.