Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang apo Mae Subong

Pokwang lola na

MA at PA
ni Rommel Placente

AFTER 4 years ay ngayon lamang ipinagtapat ni Pokwang na may apo na pala siya sa panganay na anak na si Mae Subong. Ibinahagi niya ito sa interview sa kanya ni Boy Abunda. Marami ang nagulat sa rebelasyong iyon ng komedyana ngayong Kapaskuhan. Lola na raw  siya at isa ‘yung blessing. 

Isa rin sa rason iyon para  ipagdasal pa ang sarili niyang humaba pa ang buhay para makita niya ito (apo) paglaki.

Kahit hindi pa kasal ang panganay nang mabuntis ito ay hindi naman siya  nakaramdam ng galit.

Basta maka-graduate naman ang anak ay masaya na siya at tinupad ito ni Mae.

Sinunod naman siya ng anak kahit masakit sa likod ang tuition fee nito sa pinapasukang school. 

Inireveal pa ni Pokwang na noong mga panahong nabuntis ang anak ay gusto sanang palayasin ng kinakasamang si Lee O Brien ang anak pero hindi siya pumayag dahil naawa siya rito. Sabi raw niya sa dating jowa ay mas kailangan siya ng anak at pandemic pa that time. Isa pa bakit niya palalayasin eh bahay naman niya ang tinitirhan nila. 

Sa ngayon bukod sa pagiging ina kay Malia ay masayang-masaya si Pokwang ngayong Pasko na kasama ang  apo  sa unang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …