Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anjo Pertierra Unang Hirit

Weather reporter Anjo Pertierra nawala ang hiya sa pandesal

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG Unang Hirit cutie na si Anjo Pertierra ang isa sa pinakabago sa early morning show ng Kapuso.

Pero kahit baguhan pa lamang ang weather reporter ay may rapport agad sa iba pang hosts ng Unang Hirit tulad nina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Lyn Ching, Ivan MayrinaSuzi Entrata-Abrera at iba pa.

Nakagugulat ang naging dahilan nito.

Lahad ni Anjo, “Ito po ‘yung istorya, the first two weeks na pagpasok ko po sa ‘Unang Hirit’ I was very timid.

“Mayroon po akong certain place na tinatambayan lang kasi intimidated po ako sa kanilang lahat dati.

“Kasi nga napapanood ko lang sila, parang… idol lang sila ng mga parents ko, so parang ako, ‘Oh my God, katrabaho ko na sila!’

“So hiyang-hiya pa ako.

“So ang pinang-lure po nila sa akin, sila po talaga ang may gawa nito, si daddy Igan, bumili siya ng pandesal!

“Tapos simula ng araw na nakakain ako ng pandesal, araw-araw na po iyon, unti-unti na akong pumapasok sa circle, nakakakuwentuhan ko na sila.

“Nakakakumustahan ko na sila. Roon po talaga nagsimula, sa simpleng pandesal na ‘yun.

“Tapos ‘yung rapport namin, surprisingly hindi po sila mahirap pakisamahan, bawat isa po ng host ng ‘Unang Hirit’ sobrang babait po nila, sobrang professional.

“At saka parang pamilya po kami, ito pong samahan namin, on and off cam ganito po kami, as in matibay po kami kaya sobrang pasalamat ko po na sobrang sarap po nilang kasama.”

Ang Unang Hirit ay nagdiriwang ng kanilang 25th anniversary.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …