PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director na si Bobby Garcia. Nagluluksa rin ang mundo ng teatro dahil isa nga rin si Bobby sa mga itinuturing na icon ng Philippine theater.
Siya ang founder ng Atlantis Productions, isa sa top theater companies sa Asya at naglagay rin sa mapa ng theater productions para sa mga Pinoy artist at mga show na humataw sa mga respetadong award-giving bodies gaya ng Tony, Drama League, at Outer Critic Circle Awards.
Hall of famer na siya sa Aliw Awards at ang last nga niyang nagawang show ay ‘yung Request sa Radyo na pinagbidahan nina Lea Salonga at Dolly De leon.