Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque.

Hinuli at ikinulong kasi ito sa reklamong rape na noong 2019 pa pala umano nangyari kasangkot ang isang Konsehal sa Pandi na si Jonjon Roxas at ang tao ni Mayor Roque na si Roel Reymundo.

Personal naming kilala at kaibigan ang magaling na mayor ng Pandi. Negosyante pa lang ito ay kasa-kasama na niya kami at nagkaroon pa ng panahon na nagkaroon kami ng bahay sa Pandi dahil sa naging koneksiyon namin noon sa Amana Water Park na siya ang may-ari. Ninong din siya ng aking anak kaya’t sobrang nakabibigla ang balitang hinuli siya at ikinulong.

Pinakamabigat na pagsubok itong dumating kay Mayor Roque na minamahal din ng showbiz dahil sa pagiging producer nito sa kanyang Cineko Prod.

Lagi siyang sumasali sa MMFF at sa aming pagkakaalam, itong Espantaho ay isa siya sa mga producer. Last year, naging entry nila ang Sharon Cuneta-Alden Richards starrer na Family of Two. 

Hay, hindi namin alam kung paanong mag-react lalo’t kilala naming wala sa personalidad ni Enrico ang manamantala, mang-abuso, at gamitin ang powers para lang makalamang sa kapwa.

Harinawang mamayani ang hustisya para sa lahat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …