Friday , December 20 2024

Julia memorable shooting sa Japan

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na ang direktor ay si Jason Paul Laxamana.

Mayroon bang hindi makalilimutang experience habang nasa Japan ang lead actress na si Julia Barretto?

“Ang saya ng shooting namin na ‘to, ang hirap tuloy pumili ng isang… I think one of the memorable sa akin would be ‘yung nakakita kami lahat finally ng cherry blossoms in the duration of filming, in full bloom,” bulalas ni Julia.

“So I was really excited about that day, and also because I think ‘yun na rin ‘yung kinukunan namin noong araw na ‘yun ‘yung mga naging happy memories namin ni Woody [Carlo Aquino].

“So yeah, that part. Yeah, that was a beautiful day.”

Ano pa ang nadiskubre ni Julia sa Japan since nakapag-shoot na rin siya roon dati para sa pelikulang Between Maybes nila ni Gerald Anderson noong 2019?

“You know what, it’s just peaceful.

“In Japan, we shot in this place called Saga and Karatsu which is a peaceful, quiet, calming place in Japan.

“So I feel like, it’s still the same ‘yung first time ko roon pati ‘yung second time, it’s really laid back, slow-paced and mas nakaka-focus ka kasi wala masyadong distraction, kahit ingay wala, so masarap mag-shoot doon.”

Sa pelikula ay may kapangyarihan o espesyal na abilidad si Lynlyn [Julia] na kapag hinawakan niya ang isang tao ay malalaman niya kung magdudulot ito sa kanya ng saya o sakit.

Given a choice, sinong tao ang gusto niyang hawakan para malaman kung magiging masaya o masasaktan lang?

“‘Yung wala pa sa life namin or nasa life na?”

‘Yung nasa buhay na niya na puwede niyang hawakan anytime?

“Shocks,” ang tumatawang sambit ni Julia. “Ang hirap naman niyon.”  

Pero tiyak kung may ganoon siyang power ay maku-curious siya at gagamitin niya iyon?

“Baka sa ano na lang, I feel like the people now, nandito sa life namin… baka sa future na lang gamitin, ‘yung mga ‘pag papasok pa lang sila, ita-try mo na.

“Huwag na ‘yung ngayon, kasi I feel like ‘yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time.

“Kumbaga parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman tayo, ‘no?

“Mga ganoon siguro, in friendships and in work siguro, in the future, kung may ganoon lang ability. But for now, parang wala naman.”

Entry sa 50th Metro Manila Film Festival, ang Hold Me Close ay mula sa Viva Films at Ninuno Media at mapapanood sa mga sinehan simula sa Disyembre 25.

About Rommel Gonzales

Check Also

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
3 PUGANTE, 1 TULAK NAKALAWIT

SA PATULOY na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya, nadakip ang tatlong nakatalang wanted person at …