Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  tungkol sa ama ng anak, si Baron Geisler.

Isa sa mga natanong ni Mikee kay Nadia, ay kung paano niya ipinagtapat kay Sophia na si Baron ang tunay nitong  ama.

Sagot ni Nadia, hindi niya sinabi kay Sophia ang tungkol kay Baron, pero alam ito ng kanyang yumaong partner na si Boy Asistio at mga kapatid ng dalaga.

She knew inside, pero she confronted me when she was 16. I didn’t find any reason naman to parang idutdut pa ‘yung truth kung nakikita ko naman okay naman kami. She’s in contact with her dad,”pagbabahagi ng aktres.

Sa tanong kay Sophia, kung may balak siyang palitan ang kanyang surname from Asistio to Geisler, sagot niya, “When I see comments na parang, ‘Bakit ganito ‘yung apelyido mo?’ ngayon ko lang sasagutin, I’m very proud sa apelyido na mayroon ako ngayon.

“I take pride and kung hindi ko siya kailangan palitan, hindi ko  papalitan ‘yung apelyido ko, hindi talaga.”

Ano ang tawag niya ngayon sa tatay niya? “When I talk to him, I just say po, ganoon lang. I’ve been trying to respect pero there’s still boundaries because I’ve tried na rin, parang second chance na lang din ‘to.”

Okay naman kay Sophia na magtuloy-tuloy ang communication nila ni Baron, “Siyempre hindi ko rin ika-cut off ‘yung ganoong opportunity, baka may mahanap ako sa sarili ko na mas makabubuti pala sa akin. Baka mas mag-grow ako as a person, if may nakita akong, ‘Uy may similarities pala kami.’”

Sey naman ni Nadia, “The right time will come naman kasi hindi naman kayang ako lang mag-isa ang gumagawa ng paraan. Hindi rin naman pwedeng siya lang ang gumagawa ng paraan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …