Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week.

Papasukin na rin kasi ni Alfy ang showbiz pero sa mga usaping sports muna siya mag-concentrate either as ambassador, endorser or active player.

Nineteen years old na ngayon si Alfy na anak ng panganay na kapatid ni Rico, si Geraldine Yan Tueresat nag-aaral sa Ateneo de Manila University.

“I grew up with family members who always tell me that I look like, sound like, smile like my uncle Rico. So surreal but I learned to accept it and live with it. Though I think naman po, I have my own identity, my own talents and skills na puwede ko i-share and i-showcase,” paliwanag ni Alfy, whose real name is Alfonso.

Hirit naman ni Claudine, “Since bata pa siya at nakikita ko ngang malaki ang hawig niya kay Rico, sinabi ko na in the future he will become part of showbiz. It’s just that maybe now is the best time and he’s quite ready, pero ‘yun nga, ima-manage muna ng Viva ‘yung sports activities niya. But soon, sure ako mamahalin niya ang showbiz at mamahalin din siya nito.”

However, ibinigay na nga ni Clau kay Alfy ang relo na matagal na niyang iniingatan. Ito raw ‘yung relo na suot-suot ni Rico noong mamatay ito na kinuha ni Clau at iningatan for the longest time.

Ngayon nga ay ipinasuot na niya at ipinagagamit kay Alfy, not for anything but for him feel relax na nasa showbiz na siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …