Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toni Gonzaga Charo Santos Paul Soriano

Toni at Charo nagkita, balik-PBB?

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang naintriga at nagtatanong kung ano kaya ang pakay sa pagkikita nina Toni Gonzaga at dating presidente ng ABS-CBN na si Ms Charo Santos

Nag-post ang TV host -actress sa kanyang social media tungkol sa meeting na ito kasama pa ang asawa niya na si direk Paul Soriano at may caption na,  “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you.”

Agad nag-comment ang kapatid na si  Alex Gonzaga ng “Exciting,” at karamihan sa mga nagkomento ay na-miss na ang pagbabalik-telebisyon ng TV host na anila ay matagal-tagal na rin na nawala sa free tv at sa vlog na lamang napapanood. 

Nagtatanong tuloy ang ilan kung babalik kaya si Toni bilang  host ng PBB ng Kapamilya Network? May gagawin kaya silang movie ni Toni bilang direktor naman ang asawa nito?

May ibang show kayang gagawin ang TV host sa Kapamilya at si Ms Charo ang kinakausap? Ilan lamang ito sa katanungan ng netizens.

Nag-voluntary exit noon si Toni bilang host ng PBB o sa madaling salita ay nag-resign noong February 2022 dahil sa kanyang political color last election, na nakaapekto sa kanyang karera sa Kapamilya. 

Well, sana nga ay muling mapanood si Toni sa ABS-CBN. Miss na kasi siyang mapanood ulit ng kanyang mga tagahanga sa telebisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …