Thursday , December 12 2024
Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 milyon na tumatanggap ng buwanang pensiyon sa Social Security System (SSS)?

Kung isa ka sa milyon-milyong pensioner ng SSS, aba’y may good news sa inyo ang ahensiya. Aprobado na… ops, hindi lang aprobado kung hindi sinimulan na ng ahensiya ang pamimigay ng pamasko sa inyo — ang 13th month at December pension.

Sinimulan na ng SSS ang pamimigay ng nasabing ‘regalo’ nito pang Nobyembre 29 sa pensioners na umaabot ang bilang sa 3.6 milyon – sa kabuoan umaabot naman sa halagang P32.19 billion ang pensiyon at 13th month.

Ayon kay SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas, sinadyang ipamigay nang maaga ang SSS 13th month at December 2024 pension bilang pre-Christmas gift sa mga SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners.

“We are also aware of the plight of our pensioners who were not spared by the recent tropical cyclones that lashed the country in less than a month. The early crediting of these pensions can help address some of their financial needs as they try to rebuild their lives after a series of calamities struck the country,” pahayag ni Agas.

Nitong Nobyembre 29, nakapagpadala na ang ahensiya ng nasabing ‘regalo’ sa unang pangkat na umaabot ang bilang sa 2.09 milyong pensioners at ang halaga ay P17.9 billions.

Habang ang para sa ikalawang pangkat ng pensioner ay naipadala na nitong Disyembre 4. Ang bilang ay umabot sa 1.52 milyong pensioners habang ang halaga ay P14.3 billions.

Ani Agas, umabot na sa P41.6 milyones para sa 13th month at December pension ang naipamigay na sa mahigit 6,000 pensioners sa pamamagitan ng non-PESONet.

“Pensioners in non-PESONet participating banks got their pensions on December 4, meanwhile we have asked the Philippine Postal Corporation to expedite the delivery of the checks of our pensioners in their home address,” pahayag ni Agas.

“Pensioners who availed of the advance 18-month pensions for their initial benefit received their 13th month pensions on December 4,” aniya pa.

Ang pamimigay ng ‘regalo’ sa milyon-milyong pensiyonado ng SSS ay isang tradisyon na sinimulan pa noong 1988.

Sinimulan ng SSS ang pamimigay ng regalo – 13th month pension sa mga SSS at EC pensioner noong pang Disyembre 1988.

Sa binabanggit na first at second batch na pensioners, paki-check ang inyong libreta o bankbook o ATM, pumasok na nga ba ang ‘regalo’ sa inyo ng SSS? Kung hindi pa, aba’y, payo ko po sa inyo na magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa inyong lugar at magtanong-tanong kung bakit wala pa kayong natatanggap. Bagamat, wala pa naman napaulat na reklamo na hindi pa nila natatanggap ang kanilang 13th month at December pension.

Pero naman sa mga nakatanggap na…Maligayang Pasko sa inyong lahat. Ibili na ng ‘maintenance’ iyan! Hehehe. Salamat sa Unang Pasko dahilan para may 13th Month. 

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …