Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Anthony Jennings

Movie at serye nina Anthony at Maris nanganganib

MA at PA
ni Rommel Placente

MATAPOS ang pasabog na cheating issue na isinambulat ng ex- GF ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva kina Maris Racal at sa aktor, nagsanga na ang kontrobersiya. 

Maging mga co-star kasi ng dalawa sa seryeng Incognito at pelikulang And The Breadwinner is, ay idinamay na ng ilang netizens. 

Bukod sa pinapakansela sina Maris at Anthony, ay huwag daw panoorin ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Sey naman ng ibang netizens, lalo ng mga faney ni Vice, ano naman daw ang kasalanan ng Unkabogable Star? Kahit pa bahagi raw ng nasabing pelikula sina Maris at Anthony, hindi naman daw dapat dito tingnan. 

Ang mga co-star naman nina Maris at Anthony sa Incognito na sina Daniel PadillaRichard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, at Ian Veneracion, ay ginawan pa ng meme ang kanilang publicity photos, na may mga nagkomento kung ano ang common denominator ng mga ito. 

May sumagot na lahat daw ay may cheating issue. 

Bukod kina Maris at Anthony, si Daniel ay na-link daw kay Andrea Brillantes kaya hiniwalayan ni Kathryn Bernardo. Si Richard Gutierrez naman daw, ay na-link kay Barbie Imperial. 

Si Baron daw ay nagkaisyu rin noon ng pambababae.

Hindi naging malinaw, pero pati si Ian din daw ay nagloko. Pero sey ng netizen ay hindi ito totoo.

Pero ang medyo natawa ang netizens ay kay Kaila na siya lang daw ang naligaw sa picture dahil wala namang BF na nakikita, at wala pang problema sa lovelife. 

Sabi ng isang nag-comment, kasama pa rin daw ang aktres bilang representative ng amang si John  Estrada, na isa rin daw umanong babaero na naging dahilan para hiwalayan ng asawang si Priscilla Meireles.

Grabe talaga ang  netizens, nangdamay pa ng ibang tao. Huwag naman sanang ganoon, ‘di ba? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …