NAGIGING aktibong muli ang mga datihang artists na tulad nina Ella May Saison, ang Orient Pearl, at ngayon ay si Bituin Escalante na lagare sa shows at pelikula.
May New Year concert si Bituin.
“Yes, we have a countdown at the Solaire Grand Ballroom, kasama ko po si Martin Nievera and si Lea Salonga.”
At siyempre pa, ang pelikulang Isang Himala na may importanteng papel si Bituin bilang si Aling Saling.
Entry ito sa 50th Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.
“I’m so busy this Christmas season, so napakasaya,” bulalas ni Bituin.
Isang musical film ang Isang Himala na pinagbibidahan ni Aicelle Santos.
Tinanong namin si Bituin kung, bilang singer ay mas nadalian ba siya na kinakanta nila ang mga dialogue sa Isang Himala kaysa i-deliver ng normal?
“Actually, dahil madaling mamemorya, we’ve done it before. There’s no pressure memorizing, so in that sense, dumali, pero like she said, ibang disiplina talaga ang pelikula.
“‘Yung mag-pik-pak, lilipat ‘yung camera, uulitin ang eksena, tapos dapat you still portray it authentically.
“Parang ang hirap mag-fake na pa ulit-ulit ‘yung emosyon.
“Tapos to reach that level of intensity, iyon naman ‘yung nakabibilib pala talaga sa mga film, sa mga actor.”
So mas pabor siya, bilang mas gusto niyang kumanta kaysa umarte?
“Actually, gusto ko ng challenge, so maski bago siyang disiplina, exciting. Exciting siyang gawin.”
Banggit namin kay Bituin, uso ang pelikulang kantahan, tulad ng mga matagumpay na foreign films na Wicked at Moana 2. Kaya good timing ang nalalapit na pagpapalabas sa mga sinehan ng Isang Himala.
“Oo, but ito ibang-iba, ibang-iba ang tono, pero ‘yun na nga eh, exciting din naman kasi ‘yung makapanood ng iba’t ibang klaseng kuwento.
“Nothing is sadder than watching ‘Wicked’ and then watching something like it, and we probably don’t have the technology, ‘di ba?
“To pull something off like ‘Wicked.’ But we do have great storytellers, at napakahusay talaga ni Ricky Lee, timeless ang kanyang mga isinusulat, so we offer something different. We offer something that’s ours.”
Ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ginoong Ricky Lee ang sumulat ng orihinal na Himala na pelikula ng Superstar na si Nora Aunor.
Mula sa CreaZion Studios at sa pakikipagtulungan sa Unitel, Straightshooter, Kapitol Films, at CMB Production, ang Isang Himala ay idinirehe ni Pepe Diokno.
Ipalalabas sa mga sinehan mula sa araw ng Pasko, bukod kina Bituin at Aicelle ay nasa pelikula rin sina Kakki Teodoro, David Ezra, Mano Domingo at marami pang iba.