Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Hart Vivamax VMX Candy Veloso

Angelica Hart gusto ring makagawa ng drama

RATED R
ni Rommel Gonzales

PINAGHANDAAN ni Angelica Hart ang pagpasok sa VMX.

Aniya, “Actually, bago po ako pumasok ng Vivamax (VMX), mayroon na akong plano eh, gusto ko talagang…kumbaga gusto ko talagang mag-breakthrough.

“So kumbaga ang sa akin, stepping stone ko ‘yung Vivamax.

“Kumbaga sa mga napagdaanan ko, sa experiences ko, alam ko na marami pa akong maipakikita at marami pa akong mailalabas.

“So ayun, hangga’t ngayon na hindi pa, wala pa, ginagamit ko muna ‘yung opportunity like Vivamax.

“Kaya sobrang thankful ako na may Vivamax, at kung magkakaroon ng pangalawang buhay or sa susunod or mare-reincarnate ako, magkakaroon ng Vivamax, papasok at papasok ako.”

Nais din ni Angelica na dumating ang araw na makagawa ng straight drama na pelikula na hahamunin ang kakayahan niya sa pag-arte, pero sa ngayon, happy siya bilang isa sa mga importanteng sexy actress ng VMX.

Kasalukuyang available for streaming ang Pin/Ya na bida sila ni Candy Veloso.

Sa direksiyon ni Omar Deroca, nasa Pin/Ya rin sina Julianne Richard at Gboy Pablo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …