Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon laban sa kanya kaugnay ng umano’y investment scam ng isang beauty clinic.

Idinawit ang komedyana sa mga kasong paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code, tulad din ng kinakaharap na kaso ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda.

Apektadong-apektado si Rufa Mae, dahil hindi niya akalaing masasangkot sa kasong wala siyang kinalaman, lalo pa’t tumalbog din umano ang mga tsekeng ibinayad sa kanya bilang endorser ng Dermacare.

Hindi rin umano nanghingi ng pera si Rufa Mae mula sa mga nagdemanda sa kanya dahil hanggang sa pagiging celebrity endorser lamang ng Dermacare ang partisipasyon niya.

Nadamay lamang umano ang aktres dahil isa nga siya sa mga celebrity endorser ng nasabing beauty clinic.

Narito ang pahayag ni Rufa sa kanyang official statement na inilabas.

“I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations.  

“If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice.”

Ipinagdiinan pa niya na pinaghirapan niya ng todo ang kanyang career at ginawa ang lahat para mapanatiling malinis ang pangalan.

“As a public figure, I have always demonstrated my professionalism, transparency, and respect for the people and brands I work with.

“It is dejecting to see my name being dragged through the mud, but I remain steadfast and confident that the truth will soon prevail,” aniya pa.

Nangako rin siya na haharapin ang lahat ng akusasyon. “I will cooperate fully with the authorities and face this issue through the proper legal forum. Rest assured, I will fight for my name and reputation.

“To those who have extended their love and support, I am grateful. Let us allow justice to take its course, and I humbly ask for your patience and understanding as the truth unfolds,” mensahe pa ni Rufa Mae.

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda, nagbigay ng opinyon si Kuya Boy tungkol kay Neri, at kaibigan at dating talent na si Rufa Mae hinggil sa mga kasong kinakaharap ngayon ng dalawa.

Narito ang naging pahayag ni Kuya Boy, “Kinukompirma ko pong mayroong mga warrant of arrest si Rufa Mae kaya medyo nababahala po ako bilang kaibigan at manager.

“I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bagang gusto kong balikan lahat ang mga kontrata dahil ang endorser ba ay salesman?

“Kapag sinabi kong bumili ho kayo ng donut ay ‘yung warranty ba na ‘yon, I mean, ano ba ang ating responsibilidad?

“Kasi, sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko, na ang produkto ay maganda, matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya.

“Ang endorser ay maniniwala lamang sa sinasabi ng may-ari.”

Pagpapatuloy ni Kuya Boy, “It’s a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole, we should be studying our contracts more.

“Kaninong responsibilidad ba ito? Naghikayat halimbawa ako na bumili ka ng bahay. Naghikayat ako na bumili ka ng condo, saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?

“Do I own the company? Am I liable, halimbawa, eh, hindi pala masyadong kagandahan? I have so many questions.

“I know that the case is in court.

“Isa pang point of interest, paano kaya nakonekta itong sina Neri, Rufa Mae sa kaso ng piskalya?

“It’s really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo na ang mga artist at ang mga manager.

“Ito po ‘yung aking nararamdaman kaya hindi ko po mapigilang magsalita.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …