Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Francine Diaz FranSeth My Future You

Seth uunahing ligawan magulang ni Francine — invest muna, matinding support

RATED R
ni Rommel Gonzales

“IPAGMAMALAKI ko.” Ito ang tinuran ni Seth Fedelin nang matanong kung aamin ba sila ni Francine Diaz sa publiko kapag sila na.

Sa media conference ng Metro Manila Film Festival entry nilang My Future You ng Regal Entertainment, sinabi ni Seth na, “Deserve po ni Francine na ipagmalaki siya, so yes. Ipapa-billboard ko, charot.”

Sunod na tanong sa binata kung nanliligaw na ito kay Francine? Na sinagot naman nito ng, “Wala po akong kongkreto na manliligaw na ako next year. Wala pa po sa isip ko na manligaw.

“Pero siguro paraan ko ‘to… pre-ligaw, parang mas ligaw sa magulang kaysa ligaw kay Francine.

“Kapag dumating ‘yung ligaw, ‘yung talagang manliligaw ako, mapapadali na lang ‘yung trabaho ko, ‘di ba?

“Baka mamaya, ‘Puwede bang manligaw?’ Ang sagot, ‘oo’ na agad.

“Nag i-invest muna ako, kumbaga, para ‘yung matinding support sa likod ko, mga magulang ni Francine.

“Ang sarap kayang pakinggan bilang lalaki na ang magulang ng babae na sasabihin na, ‘O, nasaan si Seth? Bakit hindi mo kasama si Seth? O, pumunta kayo rito ni Seth.’ ‘Di ba?

“Na hinahanap ‘yung presensiya mo. Napakasarap niyon sa pakiramdam bilang isang lalaki na ang magulang ng babae hinahanap presensiya mo.

“So, kung ‘yung ligaw-ligaw na ‘yun, hindi pa talaga ‘ligaw-ligaw.’ Tapos pagkatapos ay commitment na, tayo na. Hindi po ganoon, wala pa ako sa estado, hindi pa buo.

“’Yung parang sa tingin ko may kulang pa sa akin bago ako humarap kay Francine at sabihin na ganoon.

“Gusto ko buong-buo ako, gusto ko walang kulang sa akin.

“Hindi ko sinasabing magiging perfect ako, pero gusto ko na kapag humarap ako kay Francine at sabihin na gusto kong manligaw, there’s no turning back.

“Gusto ko na kapag sinabi ko ‘yun, period, no erase.”

Nagsabihan na ba sila ng I love you?

“Walang ‘I love you.’ Halimbawa na lang po, mas nadoon kami sa, ‘Good morning. Kumain ka na? Kung hindi pa, kain ka na.’

“Kapag good night naman, ‘Good night, sweet dreams, see you in my dreams.’ Walang I love you’s, more on sweet messages siya.”

Nais ni Seth na si Francine ang makasama niya sa hinahaharap.

Hindi ko masabi na siya ang future ko, eh. Ang gusto kong masabi is sana siya ang future ko.

“Hindi natin masasabi kung sino ‘yung soulmate natin. Pero ang nasa isip ko ay sana siya ang future ko.

“’Yung sa katangian naman, ako, masasabi kong at peace ako. Masasabi kong masaya ako, kuntento ako, so baka nga siya.”

Ang My Future You ay idinirehe ni Crisanto B. Aquino, at kasama rin sina Mosang, Almira Muhlach, Christian Vasquez, Peewee O’Hara, Bodjie Pascua, at Izzy Canillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …