Wednesday , December 4 2024
Nora Aunor Imelda Papin

Nora humingi ng tulong kay Imelda ng PCSO

NARINIG lang namin, nagsadya raw si Nora Aunor kay Imelda Papin sa PCSO at humingi ng tulong. Nangako raw naman si Mel na tutulungan niya sa pagpapagamot si Nora. 

“Hindi ba may ayuda naman ang mga national artist,” sabi sa amin ni Melchor Bautista, isa ring showbiz writer.

Totoo mayroon. Noong ideklara siyang national artist, nakatanggap siya ng P200k. Eh kailan pa iyon? Tapos buwan-buwan may natatanggap pa siyang P50k. At siguro kulang pa iyon kaya humihingi pa siya ng tulong na pampagamot sa PCSO. Palibhasa naman siguro dahil alam ni Imelda ang sitwasyon, at kapwa niya Bicolana kaya nangako agad ang isa sa board of director na tutulong. May budget naman talaga ng PCSO para riyan. Talagang tumutulong sila sa mga may sakit lalo na iyong mga nasa charity hospital. Iyong mga humihingi ng tulong sa PCSO, hindi rin ganoon kasimple ang proseso. Kailangang mag-prisinta ka ng medical abstrac mula sa iyong doktor, nakasaad doon kung ano ang sakit mo at kung ano ang treatment na kailangan mo. At ewan kung alam ni Nora ang patakaran sa PCSO na hindi sa kanya ibibigay ang pera. Magpapagamot siya at ang bayad ay diretso sa ospital. At sa paglapit sa PCSO, kailangan din ang certification ng DSWD na ikaw ay mahirap lamang at nangangailangan ng tulong. 

Pero siguro na-forego na ang lahat ng mga patakarang iyan, kasi si Nora Aunor siya.

Pero kung iisipin mo, si Nora, National Artist, acclaimed best actress in five continents. Tapos hihingi ng tulong sa PCSO para makapagpagamot kasama ng maraming mahihirap na talagang nangangailangan ng tulong, bakit at ano ang nangyari?

Hindi ba noon sinasabi ng fans niya, magbigay lang sila ng piso-piso para kay Nora makakapagpagamot pa siya sa doktolr ni Julie Andrews at posibleng makakanta pang muli. Pero ngayon ano pa?

Nasaan na iyong mga taong gigibain pati ang langit para sa kanilang “Ate Guy.” Kung kami ang nasa kampo ni Nora, hindi namin siya hahayaang lumapit pa sa PCSO para humingi ng pampagamot. Sukdulan na iyan eh. Totoo wala siyang bagong pelikula, dahil may pelikula pa nga siyang matagal nang tapos na hindi pa naipalalabas sa sinehan pero kahit na paano, kinukuha siya ng Channel 7 bilang support kay Jo Berry. Malayong-malayo na nga noong siya pa ang star ng sarili niyang show, iyong Superstar ng RPN 9.

Mayroon pa siya niyong Ora EngkantadaAng Makulay na Daigdig ni Nora, pero ang lahat ng iyon ay wala na ngayon. Iba na ang takbo ng buhay, iyon nga lang hindi napaghandaan ni Nora hindi niya inaasahan na may mga bagong sisikat, maiiba ang takbo ng panahon, tatanda ang kanyang fans at unti-unti na ring mauubos, at iba na ang gusto ng bagong henerasyon.

Noong kanyang panahon kasi, si Nora ay napaliligiran ng mga kaibigan niyang walang sinasabi kundi kung gaano siya kasikat. Ang paniwala nila binibigyan nila siya ng proteksiyon. Pero dahil doon ay hindi namulat sa realidad si Nora at hindi niya napaghandaan ang kinabukasan. Mayroon namang nagmalasakit kagaya halimbawa ni dating presidente Erap. Kahit na nga nagtungo pa si Nora sa EDSA at nagsisigaw na bumaba na si Erap sa puwesto, nagmalasakit pa rin sa kanya iyon. Binigyan siya ni Erap ng isang bahay sa New Manila at nabigyan pa ng dalawang franchise sa isang food chain. Kung naalagaan lang niya iyon, hindi na siya kailangang lumapit sa PCSO, pero napabayan niya at nabalitaan na lang namin noon sa isang kilalang banker na naipagbili pala niya. 

Ang totoo sa ngayon, hindi kami naniniwala na dapat abutin ni Nora ng ganyang sitwasyon, superstar siya eh, national artist, best actress in five continents, hindi ba dapat sana may isang foundation man lang na mangangalaga kay Nora para hindi na siya lalapit kina Boss Toyo at sa PCSO? 

Iyang mga Noranian, bago ninyo isipin nang isipin kung paano sisiraan si Vilma Santos, isipin muna ninyo kung paano matutulungan si Nora. Iyan ang dapat na iniintindi ninyo.

Wala na si Kuya Germs, ang kanyang kaibigan ng laging saklolo. Kung nabubuhay ba si Kuya Germs pupunta pa siya kina Boss Toyo at sa PCSO? Palagay namin hindi eh. Gagawan ng paraan ni Kuya Germs ano man ang kailangan ni Nora. Kung nabubuhay pa si Inday Badiday, baka naipagpatayo na niya ng foundation  si Nora. 

Sayang na sayang, pero talagang ganoon, ang panghihinayang ay dumarating kung talagang wala na.

(At para sa balanseng pagbabalita, hiningan namin ng reaksiyon ang isang malapit na kaibigan ni Nora. Anito, hindi totoong nagtungo sa PCSO si Ate Guy para humingi ng tulong. Naroon ito dahil magkaibigan, magkumare sina Ms Mel at Nora at may mga pinag-uusapang bagay-bagay—ED)

About hataw tabloid

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …