Wednesday , January 8 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top one commercial (commuter) bus line goes eco-friendly. Sa anong paraan naman na maging makakalikasan ang VLI?

Ang VLI ay pinamumunuan ni Ms. Marivic Hernandez – Del Pilar bilang Presidente at General Manager ng kompanya.

Pero teka, sa ngayon o sa mga nagdaang taon, hindi ba eco-friendly ang VLI partikular ang kanilang mga bus na pinatatakbo sa pamamagitan ng petrolyong diesel?

Magandang katanungan iyan ha. Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang ibinubugang usok ng mga sasakyang pinatatakbo ng makinang diesel – carbon dioxide na isa sa sinasabing dahilan ng pagbabago ng klima.

Bagamat, malaki ang naitutulong ng carbon dioxide sa mga halaman na nagbibigay naman ng oxygen na siyang nagbibigay buhay sa atin at sa iba pa.

Mabalik tayo sa katanungan patungkol sa eco-friendly. Sa kasalukuyan o sa mahabang panahon, diesel ang makina ng mga bus ng VLI. Meaning…bumubuga rin ito ng usok. So…

Bagamat diesel engine ang mga sasakyan ng VLI, maituturing pa rin na eco-friendly ang mga sasakyan ng bus company dahil alagang-alaga ng kompanya ang kanilang mga sasakyan lalo ang mga makina nito. Talagang estriktong mino-monitor ang mga sasakyan — tiyaking nasa kondisyon at malinis ang makina sa pamamagitan ng pagmamantina sa pagpapalit sa  langis nito sa takdang panahon.

         Hindi lang ito, kung hindi maging ang kalagayan o kondisyon ng mga sasakyan ay well-maintained  bago bumiyahe para matiyak ang seguridad ng milyong parokyano ng VLI na nagtitiwala sa kompanya araw-araw.

Katunayan, sinuwerte rin tayo — isa sa naimbitahan kamakalawa sa Baler Motorpool sa Quezon City ng VLI. Kompleto ang kompanya ng magaganda at heavy duty equipment para sa pagmamantina sa kanilang mga bus. Malinis din ang kapaligiran ng lugar — yes, masasabing eco-friendly ang kapaligiran ng motorpool.

E ba’t naman tayo nasa motorpool ng VLI nitong Miyerkoles, Nobyembre 27?  Hindi ba nabanggit ko sa pamagat ‘VLI goes eco-friendly’. Iyan ang dahilan kung bakit naroon tayo kasama ang ilan pang mamamahayag.

Pinaigting kasi ng VLI ang pagsuporta ng kompanya sa programa ng pamahalaan na…let’s go  eco-friendly. Ito ay sa paraan ng pagsuporta sa paggamit ng electric bus ‘eBus’. Alam n’yo naman, kapag pinaaandar ang sasakyan sa pamamagitan ng elektrisidad hindi mausok at malinis na malinis ito. Yes, eco-friendly siya at sinasabing matipid pa.

Anyway, bilang pagsuporta sa programang eco-friendly, ipinakilala ng VLI sa publiko ang pagkakaroon ng kompanya ng dalawang eBus — ang kauna-unahang fully electric bus na bibiyahe sa bansa.

Ayon kay Del Pilar, bilang pagsubok sa sasakyan, bibiyahe ang dalawang unit ng electric bus sa ruta ng Cubao (Quezon City) hanggang sa San Fernando City, Pampanga. Ang naturang sasakyan ay may kakayahang maglulan ng 65 pasahero na puwede nang sakyan ng mga suki ng Victory na magsisimula sa una hanggang pangalawang linggo ng Disyembre.

Ani Del Pilar, maituturing na isa sa mga milestone ng kompanya ang pagkakaroon ng eBus kaugnay sa misyon at bisyon ng Victory Liner na magkaroon ng carbon-neutral transport sa bansa.

Binigyang-diin ni Del Pilar ang dedikasyon ng kompanya na bawasan ang carbon emissions at pagbibigay sa publiko ng moderno at komportableng transportasyon.

Ang dalawang eBus ay nagmula sa Higer, isang global electric vehicle company. Ang dalawang ebus ay parehong mayroong 485 kWh baterya na may  kakayahang bumiyahe mula 350 hanggang 400 kilometro. Kasama ni Del Pilar sa pagpapasinaya ng mga bagong electric bus sina Transportation Undersecretary Jesus Ferdinand “Andy” Ortega at Allen Zhou, kinatawan ng Higer.

Sa araw na iyon, matapos ang  paglulunsad sa dalawang eBus, nagsagawa ng test drive sa kahabaan ng EDSA. (30)

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …