MARIING inihayag ngapat na nangungunang domestic banks na hindi susuportahan ang karagdagang karbon, kabilang ang pagpapalawak ng proyekto ng Therma Visayas Inc. (TVI) sa Toledo, Cebu.
Ang BDO Unibank, Bank of the Philippine Islands (BPI) , Security Bank, at ang Development Bank of the Philippines (DBP) na dati nang sumuporta sa dalawang unit ng TVI ay muling iginiit na hindi nila popondohan ang mga bagong kapasidad ng karbon alinsunod sa Withdraw from Coal: End Fossil Fuels (WFC:EFF), isang koalisyon ng mga environmentalists, faith leaders, at iba pang sectoral groups.
“BDO is not financing this (TVI Unit 3) project and we are not among the banks that have expressed interest in doing so,” ayon kay BDO Unibank Vice President and Chief Sustainability Officer (CSO) Marla Alvarez sa isang email noong nakaraang linggo.
Ang BPI, ang kauna-unahang domestic private bank na nag-anunsiyo ng pangako na ihihinto ang pagpopondo sa mga proyekto ng greenfield coal at sa zero coal exposure sa 2032.
“We at BPI remain steadfast in our commitment not to finance any new greenfield coal power generation projects, and a new expansion unit, even if to an existing plant, is covered under BPI’s existing coal policy,” pahayag ni Eric Luchangco, BPI’s Chief Finance Officer and CSO.
Ipinahayag din ng Security Bank na hindi sila lalahok sa expansion project alinsunod sa kanilang pangako noong 2022 na hindi na tutustusan ang mga bagong coal generation projects, at patigilin ang mga existing exposure sa 2033.
Samantala, muling pinagtibay ng state-owned development bank na DBP ang kanilang itinakdang patakaran noong 2017 na ilagay sa negatibong listahan ang mga pasilidad ng coal power.
Ang Landbank of the Philippines, na pinondohan din ang mga kasalukuyang unit ng TVI noon, ay may mga patakaran sa pagbubukod ng karbon ngunit hindi pa kinokompirma o tinatanggihan ang pakikilahok sa pagpapalawak ng karbon sa Toledo.
Gayonpaman, inilinaw ng banko na ang patakaran nito sa pagpopondo ng karbon ay susunod sa coal moratorium ng Department of Energy (DOE).
Ang mga nasabing grupo at komunidad ay dati nang nagprotesta sa plano ng pagpapalawak ng AboitizPower ng Toledo Power Plant dahil sa masamang epekto nito sa mga residente at kapaligiran.
Sinampahan din ng kasong graft si Energy Secretary Raphael Lotilla dahil sa kanyang endoso sa Unit 3 ng TVI sa kabila ng pagpapalawak na salungat sa 2020 coal moratorium.
“The banks’ unwillingness to back the expansion unit of TVI should already be a hint to Aboitiz that building another coal plant would be a losing game—financially, environmentally, and even with regards to the country’s sustainable energy needs,” pahayag ni Gerry Arances, co-convenor of the WFC:EFF.
Hinimok ni Arances ang mga banko sa Filipinas na ilipat ang suporta mula sa coal at gas sa renewable energy, sa gitna ng pangako sa buong mundo na lumayo sa fossil fuels.
Ang mga banko sa Southeast Asian (SEA), kabilang ang BPI, ay nangunguna sa rally para sa renewable energy funding, data ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).
Sa isang bagong ulat, nalaman ng CEED na habang ang pagpapalawak ng fossil fuel ay nananatili sa rehiyon, na pangunahing itinulak ng Global North, ang SEA ay may napakalaking 397.8 gigawatts ng renewable capacity sa pipeline.
Kasama ni Bishop Gerardo Alminaza, ilang grupong pangkalikasan ang naglunsad ng kampanyang “Save Tañon Strait” noong Setyembre upang protektahan ang pinakamalaking marine protected area sa bansa mula sa mga epektong gagawin ng karagdagang unit ng TVI coal facility. (ALMAR DANGUILAN)