Thursday , November 28 2024
YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIG
ni Bong Ramos

DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta pa rin hanggang sa kasalukuyan ng isang kolektor mula sa Special Mayor’s Action and Response Team (SMART).

Ang kolektor ay kinilala sa pangalang alyas Gerald ng SMART na umano’y super-lakas daw sa ilang opisyal ng nasabing departamento.

Ang mga departamento na ipinangongolekta nitong si alyas Gerald na ilang dekada nang walang function ay ang  Manila City Hall Action Team (M-CHAT) at ang QRT na nasa kustodiya naman ng Department of Public Services (DPS).

Muling binuo at ibinalik ang nasabing mga departamento nito lamang buwan ng Nobyembre.

Bukopd sa SMART na lehitimong nag-o-operate sa buong Maynila, nadagdag pa ang M-CHAT at QRT na wala rin namang silbi at wala rin papel na ginagampanan sa lungsod.

Kung dati ay SMART lang ang lehitimong kolek nang kolek at kunokonek, nadagdag pa ang binuo at ibinalik na mga departamento na hindi man lang kilala ang hepe at namamahala.

Lumalabas na ang mga pulis na nasa ilalim ng. M-CHAT at QRT ay mga pulis din na naka-details sa SMART.

Ngayon ay tatlong departamento na ang humihingi ng ‘tara’ sa mga ilegalista sa buong Maynila kasama na rito ang mga nagpapalakad ng fake diploma sa Recto Avenue at buong area ng Quiapo.

Bukod dito, nagbibigay din umano ng tara ang mga vendor, bookies, at mga personnel ng ‘Easy-Two’ at ‘lotto’ sa buong lungsod.

Si alyas Gerald din ang tanging kolektor na may awtoridad na kumolekta para sa tatlong departamento at wala nang iba.

Ang galing din naman ng taong nasa likod ng gimmick na ito. Mantakin ninyong non-existence ang dalawa sa tatlong departamento at palipad-hangin lang ang ‘emisaryo’.

Ang M-CHAT ay nag-function noon pang panahon ni Mayor Lito Atienza. Ganoon din ang QRT na concentrated sa mga vendor at mga obstruction sa buong lungsod, ito ang ‘milk & honey’ ng DPS.

Mahusay at lehitimong matikas itong si alyas Gerald. Biruin ninyong pinagkatiwalaan ng iba’t ibang koleksiyon. Maging sa pag-aayos ng pera hanggang sa pagbabahagi sa kinauukulan ay siya pa rin. Mantakin ninyo ‘enkargado’ na, ‘pagador’ pa. 

Kung sa ngayon ay nauso ang patay na nakaboboto pa rin, ganon din ang M-CHAT at QRT na matagal na panahon nang patay ngunit biglang nabuhay at bumalik para mangolekta.

Ayon sa ilang pulis at insider, ang kaganapang ito ay tinatawag nilang duplication na ang nasabing mga departamento ay iisa lang ang function at kinakatawan lang ng isang tao.

Idinisenyo raw ito para lumaki ang koleksiyon at para makinabang din ang ilan sa kanilang mga kaibigan at kadikit.

Seasonal din daw na madalas ginaganap sa buwan ng Kapaskuhan hanggang Bagong Taon, na maski paano ay malaking pera rin ang pumapasok.

Ibang klase rin ano po, walang kakupas-kupas at blooming na blooming pa rin. Mantakin ninyong sawali pa lang ang Manila city hall at bakal palang ang holen ay nandiyan na kayo, aba’y magparaya naman kayo mga sir.

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …