Monday , January 6 2025
Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez Huwag Mo Akong Iwan

Rhian, JC, at Tom movie na Huwag Mo ‘Kong Iwan, palabas na ngayon sa mga sinehan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PUNONG-PUNO ang Gateway Cinema 11 sa ginanap na red carpet screening ng Huwag Mo ‘Kong Iwan last Thursday, November21. Palabas na ngayong Nov. 27 ang pelikula sa mga paborito ninyong sinehan.

Tampok sa pelikulang ito ni Direk Joel Lamangan sina Rhian Ramos, JC de Vera, at Tom Rodriguez.

Sa pelikula, sina Rhian at JC ay magkasintahan na malapit nang ikasal, ngunit dahil sa sinapit ng ama ni Rhian ay hindi ito natuloy. Kinailangang lumuwas ng Maynila ang dalaga upang magtrabaho para pantustos sa financial needs ng kanyang pamilya.

Sa kasamaang palad nadawit ang pangalan nito sa drugs at murder. Dito na papasok ang character ni Tom na gumaganap naman bilang abogado ni Rhian.

Maituturing na feel-good movie angHuwag Mo ‘Kong Iwan, at makare-relate rito ang mga taong gipit na animo sinusubok ng tadhana ang pananalig sa katotohanan at kabutihan ng mga tao.

Magagaling ang cast ng pelikulang ito, sa pangunguna ni Rhian. Dito pinatunayan ng aktres na may ibubuga talaga siya sa acting.

Sa naturang premiere night ay nagpasalamat ang pangunahing personalidad ng naturang pelikula.  

Wika ni JC, “Maraming-maraming salamat po sa lahat po ng mga nagpunta ngayon, I hope you guys support our movie. Isa po itong magandang-magandang movie.”

Ayon naman kay Rhian, “We’re so excited for this movie, makikilala n’yo na po ang character ko sa movie. Thank you so much kay Sir Ben and Direk Joel, kasi, of course it’s not really easy to create a movie, but they really made sure na we enjoyed every step of the way and na-guide nila kami. So, thank you so much, I just loved the experience of being in this movie.”

Pahayag naman ni Tom, “Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat sa pagdalo sa araw na ito, sana po ay nag-enjoy kayo sa pelikulang ginawa po namin, dahil kami po ay nag-enjoy sa paggawa nito. Dahil sabi nga po nina Rhian at JC, si Sir Ben, buhay na buhay po sa puso niya ang sining. Kaya nakita po namin ang passion niya at ni Direk Joel at nakahahawa sa aming parte ng pelikula at sa buong cast. Kaya sana po nag-enjoy kayong lahat.”

Ito naman ang sinabi ni Direk Joel, “Maraming salamat po sa inyong lahat, sana po ay ipamalita ninyo sa mga kakilala n’yo, sa mga kaibigan n’yo kung anoman ang napanood ninyo ngayong gabi.

“Mayroon pong bagong producer, sana po ay ating tangkilikin ang pelikula para dumami pa ang producer na kagaya niya na ang puso ay talagang nasa industriya ng pelikulang Filipino. Palakpakan po natin ang BenTria Productions ni Engineer Ben Austria.”

“Thank you direk, good evening to everyone, thank you for coming. Sana ay nagustohan ninyo ang pelikulang ito, kasi napakaganda. And we have a good stellar actors na very professional, lalo na itong tatlo and of course sa lahat ng supportings.

“Salamat sa inyong pagpunta, i-disseminate ninyo ang information na ito, kasi hindi lang love story ito, mayroon din social issue awareness. So, salamat sa lahat,” masayang sambit ni Engineer Austria.

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay handog ng BenTria Productions na pag-aari ni Engineer Benjie Austria. Ang initial movie nila ay ang launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms noong 2022.

Tampok din sa Huwag Mo ‘Kong Iwan sina Rita Avila, Pinky Amador, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Simon Ibarra, Lloyd Samartino, Tanya Gomez, Nella Dizon, Felixia Crysten, Ricci Jereza-Chan, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

TVJ Tito Vic Joey Eat Bualaga

 TVJ wagi na naman, muling kinatigan sa paggamit ng Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025. Ipinagpatuloy …

Uninvited mapapanood na international

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa man tapos ang showing ng pelikulang Uninvited nina …

Judy Ann Santos Juday

Judy Ann excited sa 2025, 2024 makulay maraming learnings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ITO ang exclamation point ng 2024 ko!” Ito ang caption …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer …