MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting ni Gerald Anderson sa The Men’s Room ng One News PH, ay napag-usapan ang past relationship niya.
Isa mga itinanong na hosts ng show na sina Janno Gibbs at Stanley Chi ay kung okay na raw ba sila ni Letter B.
Biglang tumawa ng malakas si Gerald at halatang nagulat sa tanong ng dalawa, dahil alam naman niya na ang tinutukoy ng mga ito ay si Bea Alonzo.
Matagal bago nakasagot ang aktor, ngunit ayon sa kanya: “Hindi ko masagot ng 100%, pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na niyin eh. Ayun lang..”
Taong 2019 nang mabalitaang naghiwalay sina Gerald at Bea matapos i-ghost ng una ang huli.
Sumunod na nakaiintrigang tanong kay Gerald ay kung totoo ba ‘yung kumakalat na chismis sa kanya at kay letter P.
Alam ni Gerald na ang tinutukoy ay si Pia Wurtbach.
Sambit ni Gerald, “Ang tagal naman ‘niyon. Chismis lang ‘yun.”
Pinanggalingan ng tanong ang chika noon na nag-date umano sina Gerald at Pia, matapos magsama sa pelikulang My Perfect You.