Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez

Regine tanggap na lipas na ang panahon — I can no longer compete with the young ones

MA at PA
ni Rommel Placente

SA inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez ang kanyang mga tagahanga na huwag sumama ang loob hinggil sa mga kumakalat na chikang lipas na raw ang panahon niya sa larangan ng pagkanta.

Sabi ni Regine, “Don’t panic, don’t be upset, it’s not a bad thing. I’m just being realistic because it’s true. It’s no longer my time. That means I can no longer compete with the young ones.

“Come on, I’m 54 years old. I have been in the industry for almost 40 years and I have been singing all my life. And the truth is, even if I still can compete, I really don’t want to anymore.”

Dagdag pa niya, “Galing akong singing contest and half my career, feeling ko, kailangan ko mag-compete kasi ine-establish ko ‘yong sarili ko. I don’t wanna do that anymore.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging bukas si Regine patungkol sa kanilang career.

Noong May 2024 ay naibahagi niya na madalas nilang pag-usapan ng asawang si Ogie Alcasid ang tungkol sa possibility na mawala sa panahon ang kanilang boses na tanggap naman nila kung mangyayari.

Nag-viral ngayon si Regine matapos kalampagin ng fans nito ang artcard ng MYX Global na makikitang ibinaba ang billing ni Regine na malaki na ang naambag sa music industry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …