Sunday , April 6 2025
PNP PRO3 Solar-powered blinker police outposts stations

Police visibility, accessibility pinaigting ng PRO3
Solar-powered blinker ipinalagay sa lahat ng police outposts at stations

SA PAGPAPAIGTING ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director P/BGen. Redrico Maranan na maglagay ng solar-powered blinker lights sa mga signage sa lahat ng police stations at outposts sa buong rehiyon.

Binigyang-diin ni P/BGen. Maranan ang kahalagahan ng inisyatibong ito upang palakasin ang presensya ng pulisya at matiyak na ang mga komunidad ay madaling tumungo sa mga himpilan ng pulisya, lalo na tuwing gabi at sa oras ng mga emergency.

“Ang pagkakabit ng solar blinker lights ay isang praktikal na hakbang upang mapahusay ang ating serbisyo publiko. Hindi lamang nito pinapaigting ang police visibility kundi pinagtitibay rin ang kahandaan at accessibility ng ating mga police stations at outposts,” ani P/BGen. Maranan.

Ang mga solar blinker lights, na pinapagana ng renewable energy, ay kaakibat ng pangako ng PNP sa paggamit ng mga solusyong makakalikasan habang pinapalaganap ang kaligtasan ng publiko.

Ang mga ilaw na ito ay magsisilbing malinaw na palatandaan para sa publiko, lalo na sa mga liblib na lugar kung saan kulang ang karaniwang ilaw.

Inatasan na ang lahat ng yunit sa rehiyon na bigyang-priyoridad ang implementasyon ng direktibang ito at tiyaking ang mga solar-powered lights ay maikakabit at mapapagana sa mga nasabing lugar sa lalong madaling panahon.

Hinikayat din ni P/BGen. Maranan ang mga komunidad na suportahan ang inisyatibong ito sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga lugar na nangangailangan pa ng mas mahusay na visibility ng pulisya.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa mantra ng PRO3 na “Makabagong Pulis sa Makabagong Panahon,” na nagtatampok ng mga makabago at responsableng hakbangin upang matugunan ang pangangailangan ng makabagong serbisyo pulisya. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …