Thursday , December 26 2024
Aga Muhlach Nadine Lustre Vilma Santos Uninvited

Aga Muhlach, Nadine Lustre, at Vilma Santos, pasabog pagganap sa MMFF entry na ‘Uninvited’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AFTER 30 years ay muling nagsama sa pelikula sina Aga Muhlach at Vilma Santos. Ito’y sa pamamagitan ng MMFF entry na Uninvited. Kasama rin sa star-studded cast si Nadine Lustre na kakaibang husay ang ipinamalas dito.

Hindi lang pawang magagaling at award-winning ang cast nito, kundi mga pasabog din ang performance na makikita sa kanila.

Actually, nang ipakita pa lang ang teaser nito sa ginanap na pabulosong launching sa Solaire North, ang mga nakapanood ay na-excite nang todo tulad ng lead actor ditong si Aga, na ilang ulit sinabi na gusto na niyang maipalabas na ito sa mga sinehan dahil kakaiba nga at kaabang-abang talaga ang kanilang pelikula.  

Ang pinakamaningning na mga bituin ng pelikulang Pilipino ay nagtipon sa Uninvited, isang kapanapanabik na thriller-drama na magpapasiklab sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo nito.

Sa pangunguna ng powerhouse ensemble cast na sina Aga, Nadine, at ang Star for All Seasons na si Vilma, ang pelikula ay sinusuportahan din ng isang kahanga-hangang hanay ng mga artista gaya nina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III.

Pagpili pa lang ng proyektong ito ay binusisi na talaga dahil nabanggit nga ni Ms. Vilma na gusto niyang gumawa ng isang project na nangyari lang sa loob ng 24 oras.

“Na mag-uumpisa siyang maganda, matatapos siya iyong mukhang dilapidated na,” pakli ni Ate Vi.

Esplika pa ng premyadong aktres, “At this point in time of my career, hirap na akong humanap ng role na babagay sa edad ko at role that will challenge me. Kasi sa more than 62 years ko na sa industry, parang ang pakiramdam ko ay ang dami ko nang nagawang iba’t ibang klaseng character at iyong iba ay paulit-ulit na.

“Itong status ko ngayon, parang sabi ko, ‘I don’t want to do a movie para masabi lang na mayroon akong ginawang pelikula’. Kung mayroon man akong gagawing pelikula, I will make sure na at this point of my career, and my age, I will make sure that I will do a movie that can still challenge me. And itong Uninvited at yung role ko, palagay ko, na-challenge ako.”

Pahabol pa ni Ate Vi, “Ang gusto ko lang, makagawa kami ng isang magandang movie na kaya naming ipagmalaking lahat. Iyon ang nasa isip namin.”

Mula sa Mentorque Productions ni Bryan Dy, na nasa likod ng may pinakamaraming awards na Pinoy horror movie sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ang Mallari – narito ang isang di-malilimutang tagpo na hindi dapat palampasin ng mga Pilipino.

Sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures, na kasamang nagbigay ng tagumpay sa MMFF noong nakaraang taon. Sa pakikipagtulungan din ito ng Project 8 Projects sa kanilang kauna-unahang kolaborasyon sa Mentorque.

“Hindi Lang ‘To Basta Party!”

Ang tagline na “Hindi lang’to basta party!” ay lalong nagpapabalot sa misteryo sa likod ng Uninvited. Ano nga ba ang mga totoong kuwento at lihim sa likod ng mga tauhan? At paano sila konektado sa isa’t isa?

Sa direksiyon ni Dan Villegas, na nagbabalik bilang direktor ng isang full-length film matapos ang anim na taon, itinatampok ng Uninvited ang engrandeng pagsasama-sama ng ilan sa mga pinahahalagahang aktor sa larangan ng pelikula, batay sa screenplay na isinulat ni Dodo Dayao.

Tungkol Saan ang Kuwento? Matagal nang hinihintay ni Eva Candelaria (Vilma) ang araw na ito sa loob ng sampung tao ang kaarawan ni Guilly Vega (Aga), ang bilyonaryong brutal na pumatay sa kaisa-isa niyang anak isang dekada na ang nakaraan, at siyang nakaligtas sa hustisya.

Nagpanggap na isang socialite, dumalo si Eva sa isang marangyang pagdiriwang na may iisang layunin: ang makapaghiganti. Sa paglipas ng gabi, maingat niyang sinusundan ang bawat taong sangkot sa pagpatay sa kanyang anak, papalapit sa kanyang pangunahing target.

Ngunit sino nga ba ang tunay na kontrabida sa kuwento niya? Si Guilly ba o ang anak nitong si Nicole (Nadine)? Walang armas at walang kongkretong plano, kailangan ni Evang gumawa ng mga desisyon na nakataya ang buhay. Matutupad ba niya ang kanyang misyon o ang gabi ang mismong aangkin sa kanyang buhay?

About Nonie Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …