Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Candy Veloso kay Angelica Hart Pin Ya

Candy Veloso, nag-enjoy kay Angelica Hart sa pelikulang Pin/Ya

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PURING-PURI ng sexy actress na si Candy Veloso ang kapwa niya sexy actress na si Angelica Hart.

Ayon kay Candy, “Sobrang galing niya po at ang bait niya. Mas naging komportable kami sa set dahil before pa kami nag-shooting ay nag- bonding na kami ni Angelica at doon ko pa siya mas nakilala nang husto.

“Sa December 6 po ito mapapanood sa VMX, sobrang daring po nito, to the point na para na siyang soft porn, pero GL (Girl’s Love) siya.”

Pahabol na esplika ni Candy, “Pin/Ya po ang title kasi Pinlee at Aya ang name naming dalawa sa movie.”

Mula sa pamamahala ni Direk Omar Deroca. tampok ang dalawang palaban sa hubaran sa pelikulang Pin/Ya na dapat abangan sa VMX.

Ito ang fifth movie ni Candy at ayon sa kanya, hindi rin ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa GL.

“Actually marami-rami ang love scenes namin ni Angelica dito at sobrang exciting po. Buong prod at direktor sobrang na-amaze po sa tindi ng love scenes namin.

“Hindi naman po ito ang first time ko, kasi mostly sa mga naging project ko more on GL or ‘di kaya threesome.”

Mas gusto rin daw niyang karomansa ang kapwa babae. “Mas masarap po ang babae, kasi wala akong restrictions pagdating sa kanila at wala rin malisya para sa akin, kompara kung lalaki ang ka-love scene ko.”

Kung GL ba o babae ang ka-love scene niya ay nagpa-plaster pa rin ba sila? “Kung ako tatanungin, puwede naman kahit wala. Kaso everytime sinasabi ko iyan sa prod, sila mismo hindi pumapayag kasi SOP talaga iyan ng production,” nakangiting sambit pa ni Candy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …