Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At sa isang pelikulang horror-comedy nga mula sa Indonesia. Sa Kang Mak na idini-distribute ng Viva Films. Mula sa Falcon Films.

Ipinalalabas na ito ngayon sa mga sinehan. At hindi nakakasisi na irekomenda ang may PG-13 ratings ng MTRCB na panoorin. 

Base ito sa pelikulang Pee Mak ng Thailand at tinatampukan nina Vino Bastian, Marsha Timothy,  Indro Warkop, Tora Sudiro, Indra Jegel, Rigen Rakel, at Andre Taulany na mula sa direksiyon ni Herwin Novianto.

Umiikot ang istorya sa sundalong si Makmur, na sumalang sa giyera at naiwan ang maybahay na si Sari na nagdadalantao. Kasama ang kanyang kapwa mga sundalo na sina Supra, Fajrul, Jaka, at Solah, may pangako sila sa isa’t isa na magiging magkakaibigan sila habambuhay.

Nang bumalik sila mula sa giyera, natuwa sila nang malamang nanganak na si Sari. Pero mapapalitan ng takot ang saya sa kanilang mga matutuklasan tungkol kay Sari.  Na isa na palang multo.

Na kailangan nilanv patunayan kay Makmur na napakatindi ng pagmamahal kay Sari.

Si Indro ang itinuturing na pinakasikat na komedyano sa Indonesia. At mag-asawa naman sa tunay na buhay sina Vino at Marsha. 

Super naaliw kami sa paghabi ng kuwentong horror at comedy. At sa mensahe ng pelikula sa dulo. Mahuhusay ang mga aktor na nagsiganap.

Na habang pinanonood ko eh, may counterparts ng mga local artist natin ang naiisip ko. 

Halakhak to the max at kahit nakatatakot iihitin ka ng tawa sa timing ng pasok ng mga eksena. 

Aliw na aliw ang mga nanood sa advanced screening nito kabilang ang mag-partner na sina Phoebe Walker at Rico Robles.

Fourteen years old na pala ang Viva artist na si Elia Ilano nang usisain ko kung pwede ba siyang manood nito. Kasama rin niya ang buong pamilya.

You want to get a good laugh at the cinemas? Then, this is it!

A feel good horror-comedy!

Translated into English Kang Mak is your mom. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …