Sunday , December 22 2024
Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 17 Nobyembre.

Kaugnay nito, binisita at pinuri ni Gov. Daniel Fernando ang hindi matatawarang dedikasyon ni P/Capt. Jocel Calvario sa laban ng probinsiya kontra sa ilegal na droga saka siya binigyan ng pinansiyal na insentibo.

Pinagtibay din ng gobernador na bibigyan ng pagkilala ang katapangan at dedikasyon ni P/Capt. Calvario na kaniyang ineendoso sa pamamagitan ng resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan at Provincial Peace and Order Council.

Sa opisyal na ulat ng pulisya, ang casing at surveillance operation na naganap noong 17 Nobyembre sa Brgy. Malhacan, sa lungsod ng Meycauayan, ay naging engkuwentro kung saan 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.4 milyon ang nakompiska.

Sinabi ni P/BGen. Redrico Maranan, PRO3 Regional Director, operatiba ng Special Drug Enforcement Unit sa ilalim ng Meycauayan CPS ang nasugatang pulis, na isinasagawa ang casing at surveillance operation laban sa mga suspek na may mga alyas na Dan at Analyn nang magpaputok ang mga suspek habang nasa loob ng pribadong sasakyan.

Napaulat na napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at sa kabila ng pagtatangka ng mga suspek na tumakas, sila ay napigil at naaresto.

Parehong tinamaan ang mga suspek habang nasugatan sa kaliwang hita si P/Capt. Calvario na isinugod sa Meycauayan Doctors Hospital upang malapatan ng lunas. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …