Saturday , December 21 2024
Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag Mo ‘Kong Iwan na tinatampukan nina Rhian Ramos, JC de Vera, at Tom Rodriguez.

Mula sa direksiyon ng premyadong si Direk Joel Lamangan, ang pelikula ay tungkol sa isang babaeng biktimang nasangkot sa illegal human trafficking na ginagampanan ni Rhian. Si JC ang fiancé niya, samantalang si Tom naman ang gumaganap na kanyang abogado.

Natanong si JC sa ginanap na bonggang presscon nito sa Manila Hotel kung kumusta ang naging working relationship nila ng lead actress dito, dahil noon ay naging mag-ex sila ni Rhian.

Nakangiting esplika ni JC, “Sa La Lola ang last project namin ni Rhian and after several years ay ngayon lang ulit kami nagkita at nagkatrabaho, kasi siyempre sa magkabilang network kami. It feels great, refreshing… not so much adjustments kasi nga, we’re both matured na. Alam na namin kung ano ang dapat naming gawin kapag nasa set na.

“Masasabi ko, we were comfortable doing ‘yung mga scenes dito sa movie na ito, with the help of course of direk Joel. Na gusto ni direk Joel, very well focused kami kapag nasa eskena, not so much tsikahan… Hindi e, (walang throwback) hindi na namin maalala iyon…

“At saka, paspasan kasi ang ginagawa namin. As in mabilis, whenever we go sa set, kailangan laser focus na kami, kailangan alam na namin ang gagawin namin sa scenes. So, we really don’t have time magtsikahan. And parang hindi rin gusto ni Direk iyon na maingay kami sa set. Dapat si Direk lang ang nagsasalita at nagbibigay ng instructions. Kapag kasi sabay-sabay nagsasalita, parang hindi ok iyon for Direk.

“So kami, ‘pag nasa set na, tahimik lang kaming lahat. Tapos after ng take we go back to our dressing room to change and prepare for the next scene,” mahabang wika ni JC.

Kumusta ang tatlong lead stars ng kanyang pelikula?

Tugon ni Direk Joel, “Okay naman sila, they’re very good and professionals. Very good attitude towards work, very good attitude towards workers in the film. Maganda ang training nila at nakita iyon sa pakikisalamuha nila sa lahat ng tao, que nasa harap ng camera, que nasa likod ng camera. They’re all very well bred and very good people.”

Sa naunang panayam, nabanggit ni Rhian na nasa bucket list niya na makatrabaho si Direk Joel sa isang pelikula.

Aniya, “Parang puwede ko na siyang i-checked off my bucket list, parang ganoon.”

Wika pa ng tisay na aktres, “Of course, I’m nervous, I don’t want to disappoint anyone… but I also believe na kaya rin po siya naging ganito ka-respected sa industry natin, it’s because he has an ability also to lead.”

Nanawagan naman si Direk Joel na suportahan ang kanilang pelikula at mga producer na tulad ni Engineer Benjie Austria.

“Isa ako sa nakikiusap na tulungan natin ang BenTria productions na magpatuloy sa pagpo-produce ng marami pang pelikula. Kailangan ng industriya ng isang produuer na gaya ni Engineer Ben Austria, kailangan natin ng isang magtataguyod sa pelikulang Filipino. Sana ay tulungan n’yo kaming maipakilala sa mga taog manonood ang pagpapalabas namin sa November 27, maraming salamat.”

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay second offering ng BenTria Productions. Ang initial movie nila ay ang launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms noong 2022.

Tampok din sa Huwag Mo ‘Kong Iwan sina Rita Avila, Pinky Amador, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Simon Ibarra, Lloyd Samartino, Tanya Gomez, Nella Dizon, Felixia Crysten, Ricci Jereza-Chan, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …