Saturday , December 21 2024
Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. Iba-ibang genre na ang kanyang nagawa, kabilang sa mga pelikulang nagmarka talaga ang Hawla, Kubli, Scorpion Lovers, at iba pa.

Ngayon ay may bagong pelikula si Direk Paul, ito’y pinamagatang “Ako Si Juan” na hango kay St. John of the Cross OCD.

Tampok dito sina Dominic Pangilinan, Enrico Cruz, Timothy Chan, Nathaniel Enaje, Angelika Santiago, Hannah Nixon, at iba pa.

Ang Ako si Juan ay hatid ng SJDC Parish Film Production of San Juan Dela Cruz Parish na pinamumunuan ni Father Dennis Espejo.

Nagkuwento si Direk Paul hinggil sa pelikulang ito. “Ini-offer ito sa akin ni Tito Manny (Vallester), tapos sabi ko, ‘Sige pag-usapan natin ito’.

“Nagulat ako na parte ng pelikula… kakaiba iyon sa lahat, kompara sa mga nagawa ko in the past.

“Nag-start muna kami, hindi ko muna inisip na ako ang magdidirek. Doon muna kami sa konsepto ng kuwento, nag-conceptualize muna kami. Pero given na iyong material ni Father na tungkol sa isang bata at isang santo na ipa-parallel iyong story nila.”

Iyong unang draft daw na isinulat niya ay hindi naging okay sa producer nitong si Father Dennis. “Kasi kapag ako ang gumagawa ng kuwento, iyong datingan talaga, na pelikula talaga. Na complicated, na maraming nangyayari, maraming twist…

“So, sabi ni Father, ‘Hindi ito iyong nasa mind ko, pag-usapan natin…’ So, inulit ko at sa second draft ng story line, I got my approval, it means na nagustuhan na ni Father. So, roon na nagtuloy-tuloy ang proseso at bumilis na ang lahat.”

Esplika pa ni Direk Paul, “Ito ang patron saint ng simbahan ni Father Dennis kung saan siya namumuno. Kaya iyon ang gusto niyang mabuo, makilala ng mga tao, ng mga kabataan sa mga lugar dito sa Valenzuela, sa Bulacan at kung saan man.

“Gusto ni Father na ma-educate ang mga tao ukol kay Saint Juan dela Cruz (Saint John of the Cross).”

Nabanggit din niyang mas mahirap magdirek ng pelikulang sexy, kaysa Ako Si Juan na wholesome at ukol sa religion din.

Aniya, “Sa totoo lang, ang pinakamahirap iyong sexy. Kasi ito, walang malisya, walang pagkukunwari. Hindi mo kailangang mag-pretend, kumbaga kung ano ang hinihingi, iyon ang ibibigay mo. Unlike dito sa sexy (movie) na may kailangan kang patunayan.

“But looking back sa mga ginawa ko from the past,

mas iba iyon.”

Anong aral ang gusto niyang ihatid sa manonood?

Tugon niya, “Walang halaga iyong kung ano man ang materyal na bagay na mayroon ka sa mundo, kundi susukatin ang pagkatao mo base kung paano ka naglingkod, kung paano ka nagmahal ng kapwa, at kung ano ang relasyon mo sa Diyos.”

Natigil daw siya nang halos seven years sa pagiging direktor at umaasa siyang after nito ay magtutuloy-tuloy ang paggawa niya ng mga pelikula.

Aniya pa, dahil sa pelikulang Ako Si Juan ay titigil na siya sa paggawa ng sexy movies.

Paliwanag niya, “Seriously, nang napanood ko ito (Ako Si Juan), nang natapos ko ito, dapat mayroon pa dapat. Pero nag-turn back na ako, nag-decide na ako na huwag na lang. Kasi sobrang sakal din ng environment nila. Na parang pupunta lang ang actors sa set para lang maghubad. Parang wala nang istorya, wala nang acting…

“Nang pinanood ko iyong mga gawa ng mga kasamahan ko, sabi ko, ‘Nanggaling na ako rito…’  But iba pa rin ang gawa namin noong araw, kasi mas importante ang kuwento, kaysa love scenes.

“So, okay na ako sa ganito, hindi baleng walang offer, basta nakatawid na ako. Anyway, nakatawid na naman ako, nasa akin na iyon kung babalikan ko pa,” sambit pa ni Direk Paul.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …