Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas ng kanyang unang single na distributed ng Starmusicph.

Ang title ng kanyang single ay TAYM PERST MUNA na tungkol sa saloobin ng isang teenager hinggil sa mga sermon at ingay sa paligid.

Esplika ni Dwayne, “I’m sure po na maraming makare-relate sa song ko. Napaka-importante po ang makinig sa mga payo ng magulang kaya ‘pag pakiramdam n’yo ay masyado na kayong nalulunod o nasasakal sa mga pangaral, I’m sure, kapag sinabi ninyong time first muna, magkakaintindihan kayo.

“Kumbaga, magpapalamig muna kayo pareho ng ulo para maiwasan ang makapagbitiw ng masasakit na salita. Na baka p’wedeng pagsisihan po sa bandang huli.”

Aniya pa, “Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa chance na ‘to at hindi ko po ito sasayangin. Dream come true po para sa akin na magkaroon ng single, tapos sa Starmusic pa.

“Salamat po talaga sa lahat ng tumulong para maging totoo lahat ng mga pangarap ko lang dati. Siyempre po, kay God. Sa Family ko, kay Direk Joven Tan na composer ko ng song, at sa Starmusicph family ko at sa lahat ng tumulong sa akin sa media.”

Bukod sa pagiging recording artist, abala rin si Dwayne sa ilang acting assignments na ginagawa niya since bata pa siya, like TV commercials. Soon, makakasama rin siya sa isang family drama movie.

Available na ang TAYM PERST MUNA sa lahat ng digital platforms natonwide at kasalukuyan itong requested songs sa ilang radio stations nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …