Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Water Management Department hinimok ni Brian Poe na itatag

NANINIWALA si Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na ang dedikadong paglikha ng Water Management Department ay mahalaga sa pagharap sa krisis sa tubig ng Filipinas.

Sa kanyang research presentation, “A Governance Framework for the Philippine Water Security and Resource Management,” na ibinigay sa 6th Katipunan Conference on National Security and Economic Resilience, binigyang-diin ni Llamanzares ang pangangailangan para sa isang ahensiya na mangangasiwa at mamahala sa mga yamang tubig ng bansa.

“Sa kasalukuyan, mahigit 30 ahensiya ng gobyerno ang may pananagutan para sa iba’t ibang aspekto ng pamamahala ng tubig, na humahantong sa magkasalungat na mga patakaran at regulasyon. Ang pagkakapira-piraso na ito ay humahadlang sa epektibong pamamahala sa tubig at nag-aambag sa lumalaking krisis sa tubig,” pahayag ni Lamanzares,.

Binibigyang-diin ni Llamanzares na agarang tugunan ang sitwasyon at ituwid ang kabalintunaan na ang Filipinas, isang kapuluan na napapaligiran ng tubig, ay patuloy na nakararanas ng kakulangan sa tubig.

Naniniwala siya na ang isang nakatuong departamento sa pamamahala ng tubig ay magpapahusay sa koordinasyon, kahusayan, at pagiging epektibo sa pagtugon sa mga komplikadong isyu sa pamamahala ng tubig.

Papayagan nito ang pagbuo at pagpapanatili ng kadalubhasaan sa pamamahala ng tubig, na mahalaga para sa pagtiyak ng isang sustenable at napapanatiling supply ng tubig sa hinaharap.

Mababatid na si Senator Grace Poe, ina ni Brian, ay nagmungkahi ng mga panukalang batas para lumikha ng isang Department of Water Resources, na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.

Hinikayat ng Senadora si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na maglabas ng executive order na magtatatag ng Water Management Office.

Iniulat ng National Water Resource Board (NWRB) na 11 milyong pamilyang Filipino ang walang access sa malinis na tubig, umaasa sa malalalim na balon, bukal, lawa, at ulan.

Binibigyang-diin nito ang kagyat na pagtugon sa sitwasyon, dahil ang tubig ay mahalaga para sa seguridad ng pagkain, pag-unlad ng lungsod, at pangkalahatang kagalingan ng buong bansa.

Ani Llamanzares, ang pangangailangan para sa agarang pagkilos, na humihiling ng isang gabay para sa pagpapanatili upang makamit ang isang mas luntian, mas matatag, at umaasa sa sariling ekonomiya. (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …