Saturday , December 21 2024
Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso.

E, para saan ba o para kanino ang Kian Bill sakaling ito ay makalusot o maisabatas na sa Kongreso. At saka, ba’t pinamamadali ang Kian Bill?

Ang Kian Bian ay hindi para sa Akbayan Partylist o kanino man sa miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, kung hindi ito ay para sa kapakanan ng lahat. Kapakanan ng lahat? Pakilinaw naman para sa kaalaman ng nakararami.

Ang Kian Bill ay para sa proteksiyon ng mga inosenteng sibilyan, partikular na ang kabataan at menor-de-edad. Magiging proteksiyon ito ng mga inosente  sa mga brutal at hindi makataong ipapataw na kaparusahan ng estado sa mga maling pag-aakusa o sapilitan/illegal na inaaresto.

Ano nga ba ang Kian Bill at saan nakuha ang ideya para isulong na maging batas? Heto ang sagot diyan ng Akbayan base sa kanilang inilabas na kalatas… “Named after Kian Delos Santos — the young boy whose life was taken by police forces in Caloocan during former President Rodrigo Duterte’s violent anti-drug campaign — House Bill No. 11004 aims to prevent further victimization of innocent people and pivot the government’s approach to a public health framework and bring to justice both the drug lords who have largely evaded accountability and the enforcers responsible for extrajudicial killings (EJKs) in the infamous Tokhang operations.”

“Sila Duterte ang totoong mga druglords. We need to jail and punish both the drug lords who were left untouched by Duterte’s bloody drug war and his Tokhang cops who killed innocent civilians. Sa madugong war on drugs ni Digong, maraming inosenteng buhay ang napatay, habang ang mga kilalang drug personalities ay binigyan ng proteksyon,” ani Akbayan Rep. Perci Cendena. Dagdag pa niya, kaya kinakailangan nang maisabatas ang Kian Bill para panagutin ang mga nasa likod ng pagpaslang sa mga inosente sa pagpapatupad noon ng Tokhang.

“Kailangan natin itong Kian Bill upang ‘di na mabiktima ang mga inosente. We need to ban Tokhang-style operations, illegal police operations, unlawful raids, and other terror-inducing and cruel methods that have traumatized urban poor communities yet spared the drug kingpins,” pahayag ni Cendaña.

Umaasa si Fr. Flavie Villanueva ng Program Paghilom na ang Kian Bill ay isa sa magiging hakbangin para makapagpahilom sa sakit na dinanas ng pamilya ng mga biktima ng drug war ng nakaraang administrasyon.

“The victims’ families deserve healing and justice. ‘Yung pagbibigay ng tutok at pansin ng gobyerno sa karahasan na ginawa sa kanila ay panimula lamang nito,” anang Pari.

         “Hopes that the bloody war on drugs will be the last and that the wheels of justice will finally turn for the victims,” wika naman ni Randy Delo Santos, tiyuhin ni Kian.

“DOJ Task Force should scrutinize Bato’s role in drug war atrocities,” anang Akbayan sa pulong balitaan sa Quezon City.

Maganda ang layunin ng tropang Akbayan sa Kian Bill, ito ay hindi para sa kanilang grupo kung hindi para sa proteksiyon ng lahat — mga inosenteng inaakusahang sangkot sa droga o kahit anong krimen. Mga pobreng inaakusahan at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili dahil sa kahirapan…walang kakayahang kumuha ng attoney kung kaya itinutumba at palalabasin nanlaban.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit nananawagan ang Akbayan ng agarang pagsasabatas sa Kian Bill.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …