Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jem Milton

Jem Milton, super-daring sa pelikulang ‘Maryang Palad’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang sexy actress na si Jem Milton na pinakamalalang love scene na nagawa niya sa kanyang showbiz career ang pelikulang ‘Maryang Palad’.

Ayon sa tisay na aktres, “Lalabas na po iyong movie namin sa VMX, ito ang Maryang Palad. Ang naka-love scene ko sa movie ay si Mark Dionisio na leader ng mga AB (akyat barko).

“Ang ginawa ko rito ay super-daring… Siguro eto na iyong pinakamalala na nagawa kong sex scene.”

So, isang prosti ang role niya rito? “Yes po, isang prosti ang role ko sa Maryang Palad,” matipid na esplika ng napaka-hot na talent ni Jojo Veloso.

Idinagdag ni Jem na nagpasilip siya ng maseselang bahagi ng kanyang katawan sa pelikula. At mahirap daw ang naging love scene niya rito.

“Bukod sa may nasilip sa akin, iba’t ibang positions ang ginawa namin ng partner ko sa napakasikip na cabin ng mga seaman.”

Gaano kahirap gampanan ang ganyang role? Ano ang naging preparation niya rito?

Tugon niya, “Actually, hindi naman talaga dapat ako iyong gaganap sa role na ‘to. Iba talagang aktres po dapat, pero biglang nag-backout. So, pagkagising ko ng 11:00 am… mga 11:30 am ay tumawag ang manager ko na may shooting ako.

“Nang nag-ask ako kung kailan, sabi niya, ‘Now na’. So sabi ko, ‘Sige po’. Tapos ayun, naligo ako and then kain na ako, tapos ay ipinadala na ang script.

“So, habang nasa Grab na ako, at saka ko na lang nabasa iyong script ko talaga.”

Hindi ba siya nagdalawang isip na tanggapin ang role niya rito?

Aniya, “Hindi naman po, hindi ako nagdalawang isip sa project na ito. Kasi, work po ito and super-thankful ako dahil kahit sa last minute ay ako ang pinili para sa role.”

Ang Maryang Palad ay tinatampukan nina Vince Rillon, Sahara Bernales, at Mark Dionisio.

Ang pelikula ay pinamahalaan ni Direk Rodante Y. Pajemna, Jr., at palabas na ito sa VMX sa November 15.

Maryang Palad ang titulo nito dahil ang bida ay si Marya na isang masahista at sinasabing animo’y may taglay na magic daw ang palad.

Esplika ni Jem, “Kasi iyong lead dito ay Marya ang pangalan niya, hindi siya prosti na kagaya ko na umaakyat sa barko. Bale, isa siyang masahista, isang napakagaling na masahista, may magic ang mga palad niya.”

Anyway, tiyak na maraming barako ang na-excite nang todo kay Jem sa kanyang matinding alindog.

Hindi naman itinatanggi ng sexy actress na pansinin ng mga boylet ang kanyang malulusog na dibdib. Pero okay lang daw ito sa kanya.

“Yes pansinin siyempre ng mga lalaki itong boobs ko and it’s okay for me. It’s natural for guys to appreciate girls’ boobs. Hahaha!” Nakatawang wika pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …