Thursday , November 21 2024
Annette Gozon-Valdes BDAY

Kapuso stars naki-birthday kay Atty. Annette Gozon-Valdes

RATED R
ni Rommel Gonzales

STAR-STUDDED ang birthday celebration ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes noong Sunday, November 3, sa The Peninsula Manila.

Sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, isa sa highlight ng kaarawan ay ang pagdalo ng mga Kapuso at Sparkle artists, kabilang sina Alden Richards, Dingdong Dantes, at Julie Anne San Jose, na nakisaya at nag-perform sa gabing iyon.

Ilan din sa mga celebrity na dumalo sa celebration sina Sanya Lopez, Rayver Cruz, Bianca Umali, Ashley Ortega, Ruru Madrid, Shuvee Etrata, at Faith da Silva.

Ito ay isang surprise para kay Atty. Annette na dumating sa venue kasama ang amang si GMA Chairman Atty. Felipe L. Gozon.

Kasama rin sa mga bisita ang ilang opisyal ng GMA Network, kanyang pamilya, at iba pang mga kamag-anak at kaibigan na nagbigay ng suporta at pagmamahal sa birthday celebration. 

Happy Birthday, Atty. Annette Gozon-Valdes! 

About Rommel Gonzales

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …