Sunday , December 22 2024
San Rafael, Bulacan
San Rafael, Bulacan

Tresspasser nahulihan ng baril at granada

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na ito ay walang sabi-sabing pumasok sa bakuran ng isang residente sa San Rafael, Bulacan at mahulihan ng baril at granada kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ng San Rafael Municipal Police Station (MPS), kay Police Colonel Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na Lloyd Madulid y Rodriguez, 40 at residente ng Brgy. Agnaya, Plaridel, Bulacan.

Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono ang San Rafael MPS mula kay Konsehal Erwin Calderon at iniulat na isang hindi nakikilalang lalaki ang pumasok sa lugar ng biktimang si Jonito Racal sa Brgy. Tukod, San Rafael, Bulacan ng walang pahintulot.

Napag-alamang ang suspek na hindi kilala ng biktima ay sakay ng isang motorsiklong Honda Click, kulay blue, na walang plaka.

Agad namang rumesponde ang mga elemento ng San Rafael MPS sa nasabing lugar upang mapatunayan ang katotohanan ng ulat.

Sa puntong iyon, ang mga elemento ng RMFB3 na naroon sa oras ng pagsasagawa ng Oplan Sita malapit sa nasabing lugar ay tumugon din sa insidente.

Pagdating sa lugar, nilapitan ng magkasanib na elemento ng San Rafael MPS at RMFB3 ang suspek hanggang sa pag-inspeksyon ay nakumpiska sa kanya ng mga rumespondeng awtoridad ang isang kalibre .38 revolver na walang trademark, may serial no. 57718 at may anim na bala.

Dagdag pa, sa pag-inspeksyon sa motorsiklo ng suspek ay natagpuan na ang sasakyan ay naglalaman ng isang hand grenade.

Kasunod nito ay hiniling sa mga elemento ng Bulacan Explosive and Ordinance Division (EOD) na kunin ang ang eksplosibo para sa pag-iingat.

Ang suspek na kakasuhan ng mga paglabag sa RA 10591, RA 9516 at Trespass to Dwelling ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Rafael MPS.

Samantala nangangamba naman ang pamilya ng biktima dahil isa sa kanila ng ka-anak ay lumalaban bilang kintawan ng ika-6 na distrito ng Bulacan. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …