Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ella May Saison Jay Durias

Jay at Ella magpaparinig ng love songs na nakaka-LSS

RATED R
ni Rommel Gonzales

SOLID na tagahanga ni Ella May Saison ang South Border vocalist na si Jay Durias.

Kuwento ni Jay, “Super idol na idol ko si Ella May, sa Art Start pa lang, yung banda niya sa Davao.

“I used to play in a hotel called Apo View Hotel, way back then. Alternate band nila kami, sila ‘yung import na banda noon, may panahon na nagpapadala ng banda from Manila ‘yung management of Apo View and then kami ‘yung main stay na…house band kami.

“Madalas akong mag-cut ng classes para manood lang ng ensayo nila. It was a learning experience for me. 

“Talagang solid na solid ‘yun for my musical knowledge, ‘yung time na ‘yun.”

Bakit ngayon lang sila nagkaroon ng collaboration ng mahusay na female singer?

Both busy kasi ‘yung mga career namin,” paliwanag ni Jay, “hindi namin naisip… ako naisip ko baka noong early days pa, pero noong mga later part na ng South Border medyo nagiging iba na rin ‘yung direksiyon.

“So parang noong naisip nga si Ella May, ‘Oo nga, ‘no, si Ella May!’

“Pero wala siya rito. So ‘yung parang mahirap ‘yung access, tapos makakalimutan mo na naman ‘yung concept, buti na lang ngayon natuloy.”

Magaganap sa Nobyembre 9 sa The Theater at Solaire, 8:00 p.m., ang Soundtrip Sessions Vol. 3 na mula sa Dragon Arc Events Management.

Ano ang aabangan ng music lovers sa concert nila?

Actually, the fact na kasama namin si Ella Mae ano na kami roon eh, ibang chemistry na kaagad ‘yun.

“Kasi for the longest time puro mga… puro mga berdugo ‘yung… sa South Border puro lalaki, ngayon, may female element sa show.

“Maraming puwedeng gawin, may mga duet, may mga classic hits from the 80s, 90s, iyon ‘yung tayo eh. ‘Yung mga panahon natin, so it’s very comfortable to sing any iconic hit, whatever you call it.

“‘Yung mga na-LSS tayong mga love song before, pipilitin naming gawin ni Ella na with justice.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …