MA at PA
ni Rommel Placente
KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post ng halloween costume, na ang pinroject na karakter ay si Lyle Menendez, na nakulong kasama ang kapatid na si Erik dahil sa pagpatay sa kanilang magulang sa bahay nila sa Beverly Hills, California.
Caption ng aktres sa larawang post, “Call Me Lyle.”
Nakatikim ng pamba-bash ang aktres mula sa netizens dahil convicted murderer ang magkapatid na pinalabas ang kanilang kuwento sa Netflix. Kaya naman aware na aware ang netizens tungkol sa kanila.
Reaksiyon ng netizen, napaka-insenstive raw ng aktres tungkol dito.
Reaksiyon naman ng ilan, kapag daw alam na brutal ang kuwento ay huwag na sana itong gayahin.
May mga nagtanggol din naman sa aktres.
Kaagad namang dinelete ni Bea ang post sa kanyang IG na ang sabi ng iba ay malamang na-ealize ang pagkakamali.
Wala pang statement si Bea tungkol dito.