Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng camera, lalo na sa newbie sexy actress na tulad niya.

Unang napanood sa Vivamax si Trish sa pelikulang Fbuddies at si Mon Mendoza ang nakabinyag sa kanya sa mainit na love scenes.

Kuwento sa amin ni Trish, “Opo, kinabahan ako dahil first time ko po iyon at kumalabog ang dibdib ko dahil sa nerbiyos.

“Bakit? Kasi po hindi naman po ganoon kadali na maghubad sa harap ng camera at lalo na marami po ang nakakakita na mga tao.”

Pagpapatuloy ni Trish, “Hanggang nasanay na lang din po ako. Actually, hindi naman po ako masyadong kinabahan, kasi ginusto ko rin naman po na makapasok sa ganyan na industry. Kumbaga, trabaho lang naman po ito…

“Kaya nilakasan ko na lang po ‘yung loob ko para magawa ko ‘yung eskena nang tama.”

Ang second movie niya sa VMX (dating Vivamax) ay pinamagatang Baligtaran at palabas na ito ngayon. Tampok dito sina Apple Dy, Skye Gonzaga, Calvin Reyes, at AJ Oteyza.  

Bakit ganito ang title ng kanilang movie?

Aniya, “Hindi ko po alam, hindi po ako ang makasasagot n’yan, hehehe.”

Esplika ni Trish, “Sa movie po na ito, medyo po nasilip ang boobs at puwet ko.

“Ang ka-love scene ko po rito ay si AJ Oteyza, pero wala kaming love scene ng lead dito na si Apple Dy. Kasi po ang role namin ni Apple dito, mag-bestfriend.”

Aminado rin siyang liberated pagdating sa sex.

“Yes po, liberated din naman po ako pagdating sa sex,” nakangiting sambit ni Trish.

Bakit niya ito nasabi?

“Kasi po, medyo mapagbigay naman ako sa BF ko… Siyempre po kung magkaka-BF ako, mapagbigay po talaga ako sa lalaking love ko. Bale, ibibigay ko po lahat para sa kanya.”

Nabanggit din ng aktres kung ano ang naging work niya bago nag-artista.

“Nag-online selling po ako ng mga luxury bag,” pahayag pa ng seksing-seksing talent ni Ms. Len Carrillo.

Ano ang dream role niya at ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

Tugon niya, “Ang dream role ko po ay iyong pang-horror po, horror movies.

“And ang wish ko naman po, na sana mas lalo ko pa pong gagalingan para magkaroon pa ng more projects, hanggang sa magkaroon na po ako nang maayos na career.”

Ano ang sabi ni Mam Len sa mga plano sa career niya?

Esplika ni Trish, “Sabi po ni ‘Nay Len, may mga nakaplano naman pong project daw sa akin.

“Sabi rin niya, kailangan lalo ko pa raw po galingan and huwag po lalaki ang ulo ko… at kailangan lagi akong maging mabait pa rin at professional at kailangan na mas lalo ko pa raw po galingan ang pag-arte.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …